CHAPTER VII: Continuation

87 1 0
                                    

TISOY POV

              Hinihintay ko ang sagot ni Angie sa tanong ni Wendy, maging ang iba ay nacurious din sa isasagot nito maliban kay Suzy.

             " Ano bang tanong yan wendy?!..Cousin ko si Angie,kaya ba't tinatanung mo sya kung sino ba talaga sya at kung ba't kilala sya nung halimaw? parang sinabi mo na ring kilala rin ako nung halimaw sa tanong mo.." react ni Suzy na halatang na-offend sa tanong ni Wendy sa pinsan nya.

           Inawat naman ni Angie ang pinsan nito na wag nang magsalita.

           " Suzy nagtatanong lang sya, wala syang masamang pakahulugan sa tanong nya.."awat nito.

             " Pero couz.." magsasalita pa sana ito pero umiling na si Angie.

            " Tinatanong lang ako.. Una sa lahat alam kung di nyo pa talaga ko kilala, nasama lang ako dahil pinakiusapan kayo ng parents ni Suzy at ang pinsan ko mismo, Tas mang-yayari pa satin to.. maski ako nagtataka rin tulad nyo, hindi ko rin alam kung ba't ganun ang naging reaksyon nung nilalang na yun,nung makita ako." mahabang paliwanag ni Angie sa amin.

             Saka ko naalala ung kiniwento nung matanda sa kinainan namin kanina.

             " Guyz may sasabihin ako sa inyo.. pero bago ang lahat sorry hindi ko sinabi agad to.. Ang akala ko kasi hindi importante yung sinabi sa akin, na akala ko gumagawa lang ng kwento na ikakatakot natin yung matanda."

              "Putcha naman Tisoy oh!.wag ka nang magpaligoy-ligoy pa.. wag muna kaming pakabahin pa, dahil kanina pa natin ramdam yan!." napipikon ng react ni Mikoy.

         "Okie okie ito na nga.. Ang kwento kasi ni Mang Kanor, may sabi-sabi na ang Baryo kung san tayo ngaun ay may sumpa."

            "Sumpa? as in Curse?! oh come on!! year 2015 na tayo meron pa bang ganyan ngaun.."agad na react ni Betty.

            "Hon.. nasa liblib na lugar tayo sa Isla,malamang na ang mga tao dito nasa lumang paniniwala pa rin ngaun." paliwanag ni Arron, ito ang gusto nyang ugali ng kaibigan..pinag-iisipan nyang mabuti ang lahat bago gumawa ng aksyon.

            " Hindi tuwiran sinabi sa akin ni Mang Kanor ang lahat, basta ang sabi nya ang Baryo Misteryo ay may kaakibat talagang misteryong tinatago.

              Yun nga lang puro kwento lang ang lahat dahil wala nga daw makapagpatunay dahil wala ngang bakasyunista ang bumabalik galing sa Baryong to."

" BARYO MISTERYO "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon