Chapter XXI: continuation

68 0 0
                                    

Arron POV

              Kanina pa kaming lahat di mapakali sa labas ng kubo, sapagkat ilang pulgada lang sa amin ang mga taga baryong sinumpa at anumang oras ay pwedeng magbago ang mga anyo ng mga ito at gawin kaming pagkain na lamang nila.

              "Pare Ron mukhang tagilid tayo  ha..pinaliligiran tayo ng mha halimaw, yung iba feeling ko takam na takam na sa'tin, di kaya bigla na lang tayong sunggaban na mga yan." bulong mi makoy sa akin habang napapalunok-lunok pa dahil sa kaba.

               "King-ina ka naman makoy, nukha naman silang harmless ngayon eh wag ka ngang manakot dyan." bulong ko sa kanya na kahit ako di sigurado sa mga pinagsasabi ko,dahil paglingon ko sa kanan nakita ko si kuyang halimaw na pigil na pigil wag mag anyong halimaw kahit tumutulo na ang laway nito sa bibig dahil sa amin.

                 Maging ang iba ko pang kasama ay napapasiksik na rin sa likuran namin dahil sa takot.

                "Ang tagal naman lumabas ni Angie..nakakatakot na yung mga itsura nang mga taong halimaw habang nakatingin sa atin." rinig kung sabi ni Nic-nic na nagsusumiksik sa likod ni Makoy.

                Lalo pa kaming nakaramdam ng kaba nang magsalita na ang iba sa kanila.

               " Asan ang magtatanggal ng sumpa Marlon?!ang akala namin ay nandito sya, o baka naman kaya mo kami pinapunta dito dahil pagsasaluhan natin ang mga taong yan." rinig na rinig naming lahat na sabi nang matandang lalakeng umaamba-amba pa na kakagatin kami.

               Halos panindigan kaming lahat  ng balahibo sa aming narinig.At umalma agad sa sinabi nito.

               " Naku maghunos dili po kayo manong nasa loob lang po ng kubo si Angie.. Wag naman po kayong magbiro  ng ganyan tiis-tiis lang po kung pwede,palabas na rin po yun..hintay lang po." agad na paliwanag ko kay kuyang mainipin.

                " Sabi ko sayo tagilid tayo eh," kalabit ni makoy sa akin. "Pumasok na kaya tayo sa loob Ron."

                " K-kaya nga mas safe ata tayo sa loob." sagot mg tatlong babae kasama namin na kabadong-kabado na.
    
                Buti na lamang inagaw ni Mang Marlon ang mga kababayan nya. Kaya nabawas-bawasan ang namumuong tensyon sa paligid.

                "Mga kapwa ko taga baryo! Nandito tayo para ipakita sa anak ni Esmeralda ang sinsero nating paghingi ng kapatawaran upang mabalik na tayo sa dati, kaya hiling ko lamang na unting pang-unawa pa at tiis sa paghihintay." pagpapaliwanag ni mang marlon sa mga ito.

                  Sakto namang bumukas ang pinto ng kubo at iniluwa si Angie. Dahilan upang sabay-sabay kaming napabuntong-hininga sa relief,dahil safe na ulit kami.

                   Ngunit nagulat naman kami ng may kasama itong lumabas sa kubo,na nakasuot nang itim na may hood na parang si kamatayan dahil sa hawak nitong kalawit.

                  " Oh M!!!! ako lang ba nakakakita o pati kayo?na may kasama syang nakaitim na nilalang na parang si kamatayan." rinig kung sambit ng girlfriend kung si betty na di kumukurap ang mga matang nakatitig sa estranghero.

                 " Hindi ka nag-iisa dahil nakikita nating lahat sya gurl." sagot ni suzy na di rin inaalis ang tingin sa nakaitim na nilalang.

                 Nang tingnan ko ang mga kasama ko at ang mga taong taga baryo maging sila ay nagulat din at tulala lang din nakatingin sa estrangherong yun. Ang iba pa nga ay napapaatras sa takot at ang iba'y umaalma kanina ay parang nababahag na ang mga buntot.

                 Napapatanung nanaman tuloy ako kung sino nanaman ang nilalang na ito na may koneksyon sa pagkatao ni Angie.

                 Sa pagkakataon na ito ay hindi ko maramdaman ang prisensya nang isang tao sa kanya. May kung anung misteryo nanaman ang nababalot sa estranghero toh at hindi ko yun maipaliwanag. Lalo pa at agaw atensyon to ngayon sa mata nang lahat.

                  

       
                

" BARYO MISTERYO "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon