Angie Pov
Lahat kami ay bumaba ng sasakyan ng maiparada namin sa malawak na bakuran nang isang katamtamang laki ng bahay ang Van.
Ito lang kasi ang lugar na pwedeng paradahan at isa pa,mukhang ito lang din ang bahay na kalakihan na pwede naming tuluyan.
Ang iba kasi ay may kaliitan na.
Agad kaming nagtawag ng tao sa loob ng nakasarang pinto ng bahay.
" T-tao po!! Tao po!!." malakas na tawag ni Arron sa tao sa loob kung meron man.
Ilang saglit lang ay may nagbukas na Ginoo sa pinto, mukhang nagulat pa nga ito nang makita kami dahil hindi na ito nakapagsalita basta lamang nakatingin sa amin, na syang labas ng isang matandang babae may hawak pang bilao na may lamang bigas.
Marahil tinatahipan nito ang bigas nang dumating kami.
" Anong maipaglilingkod namin sa inyo mga hijo?." tanong ng Ginang kanila Arron,Pedring at Makoy na syang nasa unahan namin.
" Pasensya na po sa abala ginang.."salita ni Pedring na sinundan ng Ginang ng sagot.
"Annalou at sya si Marlon.." agad na sagot nito.
" Aling Annalou pasensya na po sa abala ahmm.. mga bakasyunista po kasi kami galing Maynila, naghahanap po kasi kami ng maaaring matuluyan namin ngayon at pwedeng mapag-iwanan ng ibang gamit po namin.. kung pwede po sana makituloy po muna.." magalang na pagpapaalam ni Pedring sa Ginang na matamang nakikinig.
Mukhang nahimasmasan naman sa pagkagulat ang Ginoo, at agad may ibinulong sa Ginang.
Saka ito muling nagsalita at sa pagkakataong yun hinawi nya ang tatlong lalake sa harap nya at tingnan kami isa-isa.
Pero di ko akalaing magtatagal ang pagkakatitig nya sa akin. Na ikinatingin din nanaman ng lahat sa gawi ko.
" B-bkit po g-ganyan kayo makatingin?." lakas-loob kung tanong sa Ginang.
" Dyos ko!..E-esmeralda! I-ikaw nga!."gulat na turan nito na nabitawan ang bilaong hawak at niyakap ako ng mahigpit.
Hindi naman ako makapagreact,dahil hindi ko alam kung panu ko sasabihing hindi ako ang Esmeraldang tinutukoy nito. Buti na lang agad akong pasimpleng hinatak ni Tisoy sa kamay at itinabi ako sa likod nito.
" Mawalang galang na po Aling Anna.. Nagkakamali po kayo hindi po Esmeralda ang pangalan ng kasama namin..Sya po si Angie." rinig kung pagpapaliwanag ni Tisoy.
" Pero kamukha nya kasi si Esmeralda.."sagot nito na hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig sa akin.
"Annalou?!"may kalakihang boses na tawag ng Ginoo sa asawa.
"Pumarine ka na..tinatakot mo ang mga bisita. Pasensya na kayo sa kanya, welcome kayo sa aming pamamahay."
" Maraming Salamat po Mang Marlon." sagot nila Makoy at Ron.

BINABASA MO ANG
" BARYO MISTERYO "
Misteri / ThrillerISANG ISLA.. ISANG BARYO.. SAMPUNG BAKASYUNISTA.. SASAMA KA BA SA PAGTUKLAS NG LIHIM NITO.. TARA NA SA "BARYO MISTERYO" This story is first published in facebook page: University of Horror Story Year2015. PAALALA: Kung masyadong mataas ang expectat...