ANGIE POV
" Dito Angela ang lugar kung san pumanaw ang iyong Inang si Esmeralda,dito na rin namin sya sa lugar na ito inilibing." turo ni Aling Analou sa lupang may tulos na kahoy na krus sa akin.
" Eto na po ba?salamat po Aling Analou..Mang Marlon.." hingi ko nang pasasalamat sa kanila.
Lumapit ako sa puntod ni Ina at pansamantalang nanalangin. Saka ko hinarap ang lahat ng mga taga-baryo.
" Sisimulan ko na po ang ang ritwal..wala naman po kayong ibang gagawin kundi patakan nyo ko nang inyong mga dugo habang nakaluhod ako sa puntod ni Ina sa anyo ninyong halimaw,habang inuusal ko ang mga salita..heto po ang inyong gagamitin pang hiwa sa inyong mga palad." abot ko sa kanila ng isang punyal na may ukit na salitang di kayang basahin ng iba at may hawakan nang isang bungo.
Kinuha naman ito ni Mang Marlon at pinakita sa iba.
Lumapit naman ako sa mga kasama kung nagmamasid lang at nakikinig sa amin,para kausapin sila.
" Pasensya na at di ko kayo nakausap kanina" hingi ko ng paumanhin sa kanila nang makalapit ako.
" Okie lang Couz naintindihan ka namin, di ba guyz?!" lapit ni Suzy sa akin saka tinanung ang iba na tumango naman at ngumiti sa akin.
" Salamat" yakap ko kay Suzy at iba pa.
"Wag kang magpasalamat sa amin, kami nga dapat ang magpasalamat sayo eh..kung di ka namin siguro nakasama ngayon baka patay na kami dun palang sa bukana ng baryo." sabi naman ni Ron sa akin na ginulo pa ang buhok ko.
" Kaya nga, isa pa hindi mo naman inakalang may misyon ka pala gagawin dito." dugtong pa ni makoy.
" Salamat talaga masaya akong kayo ang nakasama kung bumalik sa baryong to."nakangiti kung sabi sa kanila na pilit kung pinipigilan ang wag maluha.
"Ang Drama natin di bagay ha!..ang alam ko horror to eh!"biglang pasok ni betty na nagbiro pa dahil with matching turo pa ito sa mga taga baryong may sumpa, naikinatawa namin lahat.
" Wait may nakalimutan ka angie sabihin sa amin." putol ni nic-nic sa tawanan.
" Ang alin?" tanong ko sa kanya.
" Hindi mo ba ipakikilala sa amin yung kasama mong kuntodo effort sa costume ni kamatayan..."senyas nito sa akin sa gawi kung saan tahimik lang nakatayo si Sagi sa harap ng puntod ni Ina.
" Aahh sya ba? teka lang at pupuntahan ko para maipakilala ko sya sa inyo." nakangiti kung paalam saglit sa kanila saka ko pinuntahan si sagi para ayain ito.
ARRON's POV
Nang lumapit si angie sa amin at magpasalamat. Napansin ko sa mga mata nya ang kakaibang lungkot na tinatago nito sa harap namin. Tulad nang napansin ko nung nagising sya at kausapin kami.
Lalo pa nang sabihin nyang masaya sya na nakilala nya kami. Parang may tono sya nang pamamaalam sa mga katagang yun na sa tingin ko ay hindi nya direktang masabi sa amin.
At malamang sa hindi walang nakapansin yun sa amin maliban nalang sa akin. Lalo pa at bumanat pa nang biro ang magaling kung fiancee na si Betty na ikinatawa namin lahat.
Pero mas nakaagaw sa amin talaga nang atensyon nang magtanung na si nic-nic nang tungkol sa kasama ni Angie.
Na eksakto namang nilapitan ni Angie para ito'y ipakilala sa amin ng personal.
" Guyz meet my kababata..sya si SAGI!" pakilala ni angie sa kasama nyang nakayuko. " Sagi wag ka ngang mahiya ipakita muna ang mukha mo sa kanila, hindi ka nila huhusgahan promise." rinig pa naming pamimilit ni Angie ipakita ang mukha nito.
" Ikinagagalak ko kayong makilala." rinig naming sabi nito na boses nang isang lalake.
" Aww ang husky na malambing.. naman nang boses ng friend mo angie.. Ikaw din ikinagagalak namin makilala, ako nga pala si Suzy ang tumayong pinsan ni Angela nung wala syang maalala sa nakaraan."
" Ako nga pala si S-sagi." sabi nito na tumingin muna kay Angie na sumenyas naman na ipakita mo mukha mo.
Saka nito itinaas ang nakayukong ulo at bahagyang inurong ang hood na sakto lang para matanglawan namin ang kanyang mukha.
Napanganga naman sa pagkamangha ang tatlong babaeng sina suzy, nic-nic at nang fiancee kung sa betty sa kagwapuhang taglay ng nasa harap namin.
Maging kami ay nagulat dahil masyadong perpekto ang kagwapuhan nito, alam namin gwapo na kami nina tisoy, makoy, mikoy at pedring dahil mala modelo ang itsura namin, pero ang kaharap namin ay higit pa dun.
" Oh M G!!! may anghel sa harap ko." sabi ng gf kung si betty na tulala sa kagwapuhan ng kaharap.
" Wow pre astig naman pala ang mukha mo.. ba't nakakatakot naman yang costume mo?" puna ni mikoy dito.
" Costume?" takang tanung nito.
" Oo yung suot mo pare..idol mo ba si kamatayan." sabi ko sa kanya.
" Ahh ito ba? ito ang kasuotan talaga namin bilang tagapagbantay." sagot nito.
At kung ano-anu pa ang pinagtatanung ng mga babaeng kasama namin skanya, na nakalimutan na yatang nandito lang kaming mga boyfriend nila.
Hanggang marinig namin sa kanya na inaaya na nito si Angie.
" Angela oras na... Simulan na natin." ayang sabi nito kay angie, saka nagpaalam sa amin na nandun. "Kelangan na naming simulan pasensya na mamaya na lang ulit."
Tumango naman kami sa kanila bilang tugon.
" Okie sa uulitin" pa cute nang tatlong babae sa kanya, na tipid naman nitong nginitian.
Saka sila umalis sa harap namin.

BINABASA MO ANG
" BARYO MISTERYO "
Misteri / ThrillerISANG ISLA.. ISANG BARYO.. SAMPUNG BAKASYUNISTA.. SASAMA KA BA SA PAGTUKLAS NG LIHIM NITO.. TARA NA SA "BARYO MISTERYO" This story is first published in facebook page: University of Horror Story Year2015. PAALALA: Kung masyadong mataas ang expectat...