ARRON POV
Nangahas naku na pumasok sa isang bakuran ng unang bahay na aming nakita,agad akong nagtawag kung may tao ba.
" Tao po!! May tao po ba dyan?!" malakas na tawag ko sa labas ng nakasarang bahay.
Ngunit walang sumagot ni isa. Kaya naisipan ko na lamang na bumalik na sa Van,at magbakasakali na may tao na sa mga pinuntahang bahay nila Makoy,Mikoy at Pedring.
Hindi ko na inutusan si Tisoy dahil ito ang naiwan para maging bantay ng mga babae sa sasakyan.
Nadatnan ko silang nagkukumpulan sa pinto ng Van,nang makalapit naku sa kanila.
" Oh..kamusta may tao ba sa pinuntahan nyo?."tanong ko sa kanila.
" Walang tao sa bahay na yun saka dun.." turo ni Mikoy sa pinuntahan nya.
" Wala rin dun sa banda dun.." ganun din kay Makoy.
" Pati rin sa akin wala rin.." sabi rin ni Pedring.
"Nakakapagtaka na walang tao sa mga bahay na pinuntahan natin..."nakapamewang kung usal sa kanila saka inilibot ko ung paningin sa paligid.
" Baka talagang abandonado na yang mga bhay na nandito, tara try natin sa banda pa dun.." aya na ni Tisoy.
Muli sumakay kami ng sasakyan. Ngunit laking gulat namin lahat ng biglang mapatili si Betty na katabi ko lang at may tinuturo sa labas ng Van.
" Eiiiii!!!!!!!!! A-ano y-yun?!!!!." hestirikal na tili nito na may tinuturo sa labas at halatang takot na takot sya.
" Ang Alin?!." magkakapanabay naming tanong sa kanya.
Habang hininto ko ang takbo ng Van. Lahat kami ay napatayo sa aming upuan at tinignan ang tinuturo ni Betty sa labas ng sasakyan. At laking gulat namin sa aming nakita.
BINABASA MO ANG
" BARYO MISTERYO "
Gizem / GerilimISANG ISLA.. ISANG BARYO.. SAMPUNG BAKASYUNISTA.. SASAMA KA BA SA PAGTUKLAS NG LIHIM NITO.. TARA NA SA "BARYO MISTERYO" This story is first published in facebook page: University of Horror Story Year2015. PAALALA: Kung masyadong mataas ang expectat...