MIKOY POV
Sa tagal namin paghihintay sa dalawa dumating din ang mga ito na anh dumi ng itsura lalo na si Angie.
" Hay buti naman dumating na kayo, kala ko ba dyan lang kayo di kalayuan sa likod ng kubo ba't ang tagal nyo naman?" bungad agad ni suzy sa dalawa.
" Saka ba't ang dumi nyong dalawa..gumapang ba kayo sa lupa."pansin din ni nic-nic.
Hindi naman magkatinginan ang dalawa. At pinamumulahanan pa ng mga pisngi. Napaisip tuloy ako king anong kababalaghan ang ginawa ng mga ito sa likod.
Tulad kanina ning binulungan ko si tisoy bago umalis, pasimple ko syanh dinikitan at tinanung nh kami lang ang nakakarinig.
" Psst.. Anong ginawa mo kay Angie? Kaw ha! Loko ka binibiro pa lang kita dumada-moves ka na agad.."bulong ko kay tisoy na siniko ko pa sa tagiliran.
" Siraulo kang talaga mikoy, ang berde ng iniisip mo..palibhasa gawain mo eh!" react nito na sinamaan pa ako ng tingin.
" Eh ba't namumula kayong dalawa tas di pa kayo magkatinginan..ulol pre! wag ako gawain ko nga di ba kaya pansin ko, kwento naman dyan..."pilit kung paamin kay tisoy dahil halatang may itinatago itong loko na to sa amin.
" Tsk..tantanan mo nga ko mikoy, wala kung ikwekwento sayo..may mahalaga pang gagawin si Angie,.. Oh!nandyan na pala sa labas yung mga taga baryo." pag-iiba nito sa usapan, saka nya ko iniwanan sa kinatatayuan namin at lumapit sa iba kung san si Angie ang kausap.
Saka ko napansin ang bitbit nitong kahon.
" Ano kayang laman nun?." napapaisip kung tanong sa aking sarili. Saka ko nakiusyoso sa pinag-uusapan nila.
TISOY POVDahil hindi ko matagalan ang pagiging makulit ni mikoy ay iniwanan ko na sya at sumalo sa iba. Mahirap na ang lakas pa naman ng antenna nang kumag na yun pagdating sa kalokohan.
Tumabi ako sa bandang likuran ni Angie habang busy syang nakikipag-usap kina Mang Marlon at Aling Analou. Habang ang iba ay tahimik lang na nakikinig sa kanila.
" Mabuti naman po at hindi kayo nahirapan kumbinsihin sila Mang Marlon." rinig kung sabi ni Angie.
" Medyo nahirapan naman Angela..mabuti na lang at tinulungan ako ng mismong pamilya nila na gusto nang mamuhay ng normal ulit," sagot ni Mang Marlon sa kanila. "Gusto ka nga nilang makita." habol pa nito.
" Maya na po siguro Mang Marlon, kelangan ko pa po kasing ayusin ang mga gagamitin ko," sagot nya saka tumingin sa aming lahat. "Maaari bang iwan nyo muna kung mag-isa." hiling nito sa amin.
Nagkatinginan man kami para tumutol pero hindi na namin nagawa. Sinunod na lang namin ang gusto nya.
Binaba ko ang kahon sa maliit na lamesang kawayan. At sabay-sabay kaming lumabas ng kubo at iniwan sya sa loob na nag-iisa.
BINABASA MO ANG
" BARYO MISTERYO "
Mystery / ThrillerISANG ISLA.. ISANG BARYO.. SAMPUNG BAKASYUNISTA.. SASAMA KA BA SA PAGTUKLAS NG LIHIM NITO.. TARA NA SA "BARYO MISTERYO" This story is first published in facebook page: University of Horror Story Year2015. PAALALA: Kung masyadong mataas ang expectat...