CHAPTER XV: MISTERIOUS GUEST

72 0 0
                                    

ANGIE POV

              Tulala pa rin ako sa nangyari  nang bumulagta na lang sa harap ko ang pugot na ulo ni Mang Kadyo.

          At mas lalong ikinatulala ko sa gulat dahil sa biglang dating ng misteryosong nilalang na parang si kamatayan.

          Pilit ko man sipatin ang mukha nya sa hood na nakatabing dun ay hndi ko pa rin makita. Sino ang misteryosong nilalang na'to na dahan-dahan papalapit sa akin? Dahil sa takot ko ata napako na ko sa kinapwepwestuhan ko at napapalunok nalang habang iniintay ko ang mangyayari sa akin. Halos buong balahibo ko sa katawan ay nagsitayuan nang haplusin nito ang pisngi ko, ska tumigil ang mga kamay nito sa tapat ng mukha ko at inilabas nito ang isang kwentas na hawak nito.

             "B-Binibigay mo sa'kin.?."tanung ko sa di ko makilalang nilalang. Pero hindi naman ito sumagot,bagkus hinihintay lang nitong kunin ko ang hawak nito. Natatakot man dahil baka bigla na lang nitong putulin ang kamay ko. Kinuha ko pa rin.

            Pagkahawak na pagkahawak ko sa kwintas ay binitawan na nito agad, at tinalikuran ako.

             Sinunod naman nitong lapitan ang sugatan at duguang si Mang Marlon at tinapat nito ang tulis ng hawak nitong kawit sa dibdib ng Ginoo na ikinataranta ko.

              " S-saglit lang.. paki-usap wag sya,wala syang kasalanan.." pigil ko sa misteryosong nilalang.

             Lumingon lang ito at parang sinisenyas nyang wag maingay. At mula sa tumamang liwanag ng buwan ay nagliwanag din ang kawit nito. Matapos ang saglit na pag-liwanag ay ang paggaling ng mga natamong sugat ni Mang Marlon. Aalis na sana ang misteryosong nilalang sa harap namin pero pinigilan ko ulit sya.

              " T-teka! Maraming S-salamat..sino ka? ba't mo kami tinulungan?." tanung ko.

          Pero nilingon lang nya ko at bahagyang inangat nito ang mukhang nakayuko para masipat ko unti ang mukha nya,ngunit bibig lang nito ang nkita ko na nakangiti lang sa akin. Saka ito tumungtong sa bintana at tumalon.

             Sinundan ko sya pero mabilis itong naglaho na lamang sa kawalan. Nang lingunin ko ang mag-asawa.

              Nagkamalay na si Mang Marlon at nakaalalay si Aling Analou sa pagtayo nito. Agad akong lumapit sa kanila.

            " Mang Marlon.. Aling Analou.. ayos lang po ba kayo?." lapit ko sa kanila.

             " Okie na kami A-angie maraming salamat sa pagliligtas mo sa amin." pasasalamat ni Aling Analou sa akin.

               " Hindi ko alam ang nangyari kay Kadyo kung anung ginawa mo pero nagpapasalamat kami sayo.." dugtong naman ni Mang Marlon.

            "Wala po kung ginawa wag po kaung magpasalamat sa akin." tugon ko.

           " Pero kung di ka dumating baka tinuluyan na talaga kami ni Kadyo.. maraming salamat pa rin hija." sabi muli ni Mang Marlon.

            "Teka san na nga pala ang mga kaibigan mo.? saka panu kayo nakalabas ng kwarto para makatakas.. hindi namin kayo nakitang dumaan sa kahit anumang pinto kanina.?." tanung nito na nagpaalala sa akin na ang mga kaibgan ko ngaun ay nasa panganib pla.

              " Oo nga pala ang mga kaibigan ko.. kelangan ko na pong umalis baka kung napanu na po sila..pinauna ko po sila sa kubo." natatarantang sabi ko sa kanila na iiwanan na sana sila pero pinigilan nila ako.

            " S-samahan ka nanamin.. baka maligaw ka pa sa gubat." prisinta ng mg-asawa sa akin.

            " Pero..kaya nyo na po bah?."tanung ko sa kanila.

           " Wag kang mag-alala kaya na namin.. tara na."

            " Sige po kung yan po ang gusto nyo.. tara na po baka kung napanu na po kasi sila." aya ko na sa kanila na nagpauna nakung bumaba.

           Kasunod ko naman silang mag-asawa at binaybay namin ang dinaanan ng mga kaibigan ko papunta sa kubo.

              Narinig pa nga namin ang tili at sigawan ng mga ito sa malayo, na halatang nanganganib ang mga ito. Nang tuntunin namin ang ingay nakita namin si Wendy na pinaliligiran na nang mga halimaw. Nagkakawag ito at nagtitili sa sobrang takot. At pagkatapos ay isang unday ng matalim na kuko ng halimaw sa tiyan nito na tumagos pa sa likod ang nakita kung ikinasuka nito ng dugo. Tatakbo sana ko para tulungan si Wendy. Pero pinigilan ako ni Mang Marlon.

           " Kami ng bahala..magtago ka lang muna dyan." salbi ng mag-asawa na nagbago na nang mga itsura at agad sinugod ang mga halimaw na nakapalibot kay Wendy.

              " Wendy.."naiiyak kung sabi habang nakatago sa mga halamanan.

" BARYO MISTERYO "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon