MANG MARLON POV
Hindi namin akalain na ang dalagang kanina pa namin napagkakamalang si Esmeralda ay ang batang noon na si Angela. Kaya hindi pa rin naalis sa amin ang magulat sa sinabi nito.
Sino nga naman ang mag-aakalang buhay pa ito sa tagal na taon nang lumipas. Ang akala talaga namin ay namatay na tobsa gutom kung san man ito napadpad sa laki ng baryong toh.
Nakaramdam tuloy kami ng matinding hiya sa kanya ngayon, kami na dating tinuturing nyang mga tiya at tiyo nung sya ay bata pa, ay isa sa mga nagkasala sa kanilang mag-ina.
" Ang galing ko talagang manghula!, sabi na eh.. May iba talaga sayo," narinig kung sabi ng binatang ngangangalang tisoy na kanina ay katabi lanh ni Angela.
" Alam ko po na nagulat kayo, ngunit maging ako rin naman po ay nagulat.. Kung nahihiya man po kayo sa nangyari, at baka magbago ang aking sinabi, wag po kayong mag-alala, tulad po ng tinuran ko sa inyo pinapatawad ko na po kayo." sinserong turan ni Angie sa amin.
" Maraming Salamat Angela..ang akala ko talaga ay magagalit ka sa amin." rinig kung sabi ng aking asawa dito.
" Ang totoo po nyan maging si Ina ay gusto na talaga kayong patawarin, sya mismo ang nagsabing bawiin ko na ang sumpa."
" Nakausap mo sya Angela?!" tanong ko na kinatango lang nito.
" Simula po nung tumuntong kami sa bahay nyo, nagsimula na po syang magpakita sa akin at marinig anh boses nya..kaya nga po nakaligtas kami kanina dahil sa kanya."
" Nakakatuwang isipin na ang kaligtasan mo pa rin ang hangad nya." sabi ni Analou kay Angela.
" Angela..kung ganun panu mo babawiin ang sumpa sa amin hija, may alam ka bang paraan?,"diretsahan ko ng tanong dito.
" Opo Mang Marlon.. at magagawa ko lang po yun kung lahat ng mga taga baryo na nasumpa ay magtitipon sa lugar kung san namatay ang aking Ina" sagot sa akin ni Angela.
" Kung ganun ako na ang susundo sa kanilang lahat.." rinig kung prisinta ni Jane na kanina pa nananahimik lang habang nakikinig.
" Hindi mo kakayanin Jane na pasunurin silang lahat, sasamahan kita" sagot ko sa kanya.
" Kung ganun po hihintayin ko nalang po ang pagdating ng iba pa Mang Marlon..may dapat pa kasi kung hanapin dito sa loob ng dati naming bahay." nakangiting sabi ni Angela sa akin.
" Analou aalis na kami ni Jane, ikaw na ang bahala sa mga bata." paalam ko na kay Analou saka tingnan isa-isa ang mga binata at dalagang nandun.

BINABASA MO ANG
" BARYO MISTERYO "
Mystery / ThrillerISANG ISLA.. ISANG BARYO.. SAMPUNG BAKASYUNISTA.. SASAMA KA BA SA PAGTUKLAS NG LIHIM NITO.. TARA NA SA "BARYO MISTERYO" This story is first published in facebook page: University of Horror Story Year2015. PAALALA: Kung masyadong mataas ang expectat...