CHAPTER XVI: 1.2

82 0 0
                                    

ANNALOU POV

              Agad kaming bumalik mag-asawa sa lugar kung saan namin iniwan si Angie,para ibalita at ipakita sa kanya ang kinahinatnan ng isa sa mga kasamahan nito na Wendy ang pangalan.

              Ngunit nang tignan namin ang lugar, wala ito doon,na labis naming mag-asawa pinag-alala.

               " Marlon! ang kamukha ni Esmeralda si Angie wala sya dito," nag-aalalang sambit ko sa asawa kung dala-dala ang labi ng katawan nung Wendy na wala nang buhay.

           May ilan parte ng laman nito ang kinagat na at wala na, tulad ng laman nito sa buong kanang braso na buto na lang ang natira, sa isang hita nito ay ganun din, ang tanging buo lang sa katawan nito ay ang mukha at dibdib ,habang ang parte ng tiyan na binutas ng matatalim na kuko ng halimaw ang syang sanhi ng kamatayan ng kaibgan nito.

             " Hindi maaari baka mapanu sya! tara na't hanapin natin sya.." aya na ni Marlon sa akin.

            Kahit pa may bitbit itong katawan. Agad kaming naghanap sa paligid, dahil mas malinaw ang mata namin sa dilim pag nasa anyong halimaw kami, nakita namin si Angie eksaktong malakas na tinamaan nang matatalim na kuko ng halimaw,buti at maagap nitong naisalag ang mga braso na syang natamaan,ngunit dahil sa lakas ay tumalsik pa rin ito at napahiga.

            Bago pa daluhungin ng halimaw si Angie ay umawat naku, agad akong pumagitna sa halimaw at binigyan ito ng babala.

                " Gggrraaarrggh!!! tumigil ka Jane.."

                " Annalou! Marlon! gutom nku..aarrgh!.,pag bigyan nyo nku sa isang to," umaangil na sbi ng halimaw na ka baryo namin na si Jane, na naglalaway na sa pagkasabik.

           " Hindi maaari dahil sya ang makakatanggal ng sumpa.,hndi mo ba sya namumukhaan..sya si Esmeralda! pagnamatay sya ulit wala na taung pg-asang gumaling pa sa sumpang ito." paliwanag ko sa kanya.

               Tinignan naman nito ang nakahandusay nang walang malay na si Angie na duguan ang braso at noo. At gulat itong makitang kamukha nga ito ni Esmeralda.

                " Jusme.. Si Esmeralda nga! anung ginawa ko?! napatay ko ata sya." gulat na sabi nito na nasa anyong halimaw,na dali-daling nilapitan ang wala ng malay na si Angie at kinalong ito.

               " Analou pagtulungan nyo ni Jane buhatin si Esmeralda..kelangan syang magamot sa kubo." utos ni Marlon sa akin.  " Bilisan na natin naghihintay ang mga bakasyunista doon."

            Na agad kung ikinatalima, si Jane naman ay nakitulong na din sa pagbubuhat kay Angie magkatuwang kaming inakay ang kamukha ni Esmeralda na wala pa rin malay, papunta sa kubo.

" BARYO MISTERYO "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon