CHAPTER IV: THE IMAGE

99 1 0
                                    

ANGIE POV

Sa wakas nakarating din kami sa destinasyon naming Baryo, at walang pagsidlang ang paghanga namin sa aming namalas sa bukana palang ng arko papasok ng baryong iyon,dahilan para bumaba kami ng sasakyan at pagmasdan ang tanawing aming namamalas na gawa mismo ng kalikasan.

Bago ka kasi makapasok doon ay dadaanan mo muna ang isang napakahabang tunnel garden na gawa ng kalikasan at hindi ng tao.

" Wow grabe ang gandaa!!" manghang rinig ko na sabi ni Nic-nic.

" Tignan nyo ung matatayog na puno sa magkabilang kalsada oh,inabot ng mga dahon nila ang isa't isa, kaya nakagawa ng tunnel garden plus pa ang mga ligaw na bulaklak.. Para tuloy isa akong prinsesa na pupunta sa isang piging sa kaharian.." sabi naman ni wendy na nagdadaydreaming pa.

" Ayus dito sa lugar na to, tirik ang araw pero dahil sa mga puno malilim." puri ni makoy.

Ako naman ay tahimik lang nagmamasid sa paligid.

Sakto pa na hawak ko ang DSLR camera ni Suzy at pinagkukuhanan ko ang magandang anggulo ang lugar.

Sa kakatingin ko sa lente ng camera at naghahanap ng iba pang kukuhanan, nagawi ang lente ng camera ko sa isang bulto ng tao sa may dulo ng tunnel garden.


" BARYO MISTERYO "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon