Chapter XX: THE BOX

73 0 0
                                        

ANGELO POV

             " Hindi yang bato..yung nasa ilalim nang bato ang kukunin ko."sagot ni angie sa akin na lumuhod sa lupa at itinulak ang di gaanung kalakihang bato.

            Saka ito naghanap sa paligid ng batong maaari nitong gamitin pang hukay sa lupa. Sakto naman may nakita akong dalawang di gaanong kalakihan na patpat at dinampot ito para iabot sa kanya.

              " Heto oh,okie na ba'tong patpat?," abot ko sakanya na lumuhod na rin para tulungan siya.

              "Tulungan na kitang maghukay."sabi ko sa kanya na inilagay ko ang gasera sa isang lugar na hindi ito matutumba at sapat para mailawan kami.

            " Salamat.." sabi nya sa akin nang abutin nya yung isang patpat. Saka sya nagmadali magbungkal.

             Ginaya ko naman sya sa ginagawa nya. Binungkal namin ang lupa gamit lamang ang napulot kung patpat,kahit na alam kung may kahirapan ang magbungkal gamit lamang yun.

             Hanggang sa may natamaan na kaming bagay. Hindi yun isang bato kundi isang gawa sa kahoy na bagay.

             Agad na binitawan ni Angie ang patpat at kinamay na lang nya ang pagbubungkal para mabilis nyang makuha ang bagay na yun. Na ginaya ko na rin para mas mapabilis na namin itong makuha.

            Doon nga tumambad sa amin ang di kaliitan at di rin naman kalakihang kahon na halatang luma na ngunit ni hindi nasira ang magandang itsura nito kahit na ilang taon na itong nakabaon sa lupa.

            " Sa wakas nabungkal din natin,"kuha ni angie sa kahon.

            " Ano bang laman nyan?" dala ng kuryosidad ay tanong ko sa kanya habang pinapagpag ko ang marumi kung mga kamay.

            Nakita ko naman na binuksan nya ang wala namang lock na kahon. At kinuha doon ang isang libro.

             " Ito ang kelangan ko.." pakita nya sa akin.

              " Don't tell me isa yang magic book, witch ba nanay mo?," hindi ko maiwasang itanong ito sa kanya.

             " Hindi sya witch.. isa syang tagahatol," sagot nito sa akin.

             Napansin kung naipunas nya ang marumi nyang kamay sa kanyang mukha. Na sa tingin ko ay mas lalo nyang ikinaganda sa paningin ko.

              " Ano bang nangyayari sayo tisoy?para kang na love at first sight dyan,"kastigo ko sa aking sarili.

              Hindi ko alam na nakatulala na pala ko habang nakatingin sa kanya. Kaya napaigtad ako sa gulat nang mapagtanto kung kinakausap pala nya ako.

              " Hoy! Narinig mo ba yung sinabi ko..nakatingin ka lang sa'kin eh,"mahinang tapik nya sa balikat ko.

              " Ha! A-ano nga ulit yung sinasabi mo?..medyo di ko naintindihan," napapahiyang tanung ko sa kanya.

               " Aay syaaa...san ba napadpad ang diwa mo at lutang ka? tsk tsk tsk...sabi ko bumalik na tayo,tara na!," tayo na nito sa pagkakaluhod pero nangalay ata ang mga tuhod nito sa tagal na ganun ang posisyon nya kaya na out of balance ito. Na maagap ko naman syang sinalo na ikinatumba namin pahiga sa lupa.

               " Ayos ka lang?," tanong ko sa kanya dahil napasubsob sya sa aking dibdib.

              "A-ayos lang ako..nangalay ata yung mga binti ko," angat nya sa pagkakasubsob sa akin

             Sakto naman halos gahibla na lang ang layo ng mukha nya sa mukha ko. Parehas tuloy namula ang mga pisngi namin. Sa pagkakataranta nya makatayo di nya napansing ang braso nyang may sugat ang naipang dantay nya at sa sakit na kanyang naramdaman muli syang napahiga sa akin at sa pagkakataong yun naglapat ang mga labi naming dalawa.

ANGIE POV

              Halos dumagundong sa bilis ng tibok ang puso ko, at manlaki ang mata ko nang maglapat ang mga labi namin ni tisoy. Maging sya'y ramdam ko din ang bilis ng pintig ng puso nya dahil ang mga kamay ko ay nakalapat mismo sa kanyang dibdib.

             Dali-dali kung nilayo ang mukha ko sa kanya sa pagkakalapat ng aming mga labi, sa pagkakataong to maingat naku sa aking kilos.

             Dahan-dahan akong umalis sa pagkakadagan sa kanya para di na maulit ang mangyari.

             Halos mamula ang buong mukha ko ng makatayo naku sa pagkakadagan sa kanya sa sobrang hiya. Hindi ako makatingin sa kanya kahit alam kung nakatayo na rin sya at nagpapagpag nang nadumihang damit.

            Para tuloy kaming mga tangang nagpapakiramdaman sa isa't isa. Dahil wala man lang sa amin ang gustong magsalita.

           " T-tara n-na baka kanina pa sila naghihintay sa'tin," nauutal kung aya na sakanya, ngunit di ko sya matignan ng diretso.

           " O-okie.. Ako n-nang magdadala nang kahon yung gasera na lang yung sayo." rinig kung sagot nya na nauutal din.

            Umalis na nga kami sa lugar na yun ng di na nag-usap ulit. Hanggang sa makarating kami muli sa kubo at madatnan ang lahat na kami na lang pala ang hinihintay.

" BARYO MISTERYO "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon