NICNIC POV
Matapos naming kumaen ng masarap na hapunan na niluto ni Aling Analou. Habang nagpapababa ng kinain ang lahat sa kabusugan, pangahas akong nagtanong sa mag-asawa na sa mga sandaling iyon ay inaayos ang lamesang kinainan namin. Katulong sina Angie at Suzy.
" Aling Analou okie lang po bang magtanong sa inyo?."
" Ang alin naman yun Ineng.?." sagot nya ng patanung din sa akin.
" Bago po kasi kami dumating dito, may nakapagsabi po kasi sa amin sa kabilang baryo na may sumpa daw tong baryo na to..totoo po ba yun?." curios kung tanung kay Aling Analou na narinig din ng iba kung kasamahan na ngayon ay halatang gusto din malaman ang isasagot ng matanda sa amin.
" Naku naman yang katabing baryo namin kung anu-anong kwento ang ipinagkakalat." sagot ng Ginang na napansin ko ay halatang kinakabahan at di makatingin sa amin ng diretso.
" Ganun po ba.. pero Aling Analou kung walang sumpa po itong baryo bakit may nakita kaming aswang ba yun o halimaw sa daan kanina." muling sabi ko sa kanya alam kung sa pagkakataong ito kasi mapapagsalita ko sya tungkol sa bagay na yun. Imposibleng wala silang alam at ramdam ko yun. Dahil tulad nung halimaw nagulat sya ng mkita si Angie.
"Pagpasensyahan nyo na po tong girlfriend ko Ginang matanong talaga sya..hehehe.. Nic-nic ba't mo sinabi ung nangyari kanina mamaya niyan pagkamalan tayong baliw ng mag-asawa,galing pa naman tayong maynila." bulong ni Makoy sa'kin.
" Bakit totoo naman ung sinabi ko ha?! masama bang magtanung mismo sa kanila, isa pa uuwi na tayo bukas atleast kahit papanu nakuha natin yung sagot bago tayo aalis." diretsahan sagot ko kay Makoy na medyo napalakas, kaya pinandilatan nya ko saka napa-face palm na parang may mali sa sinabi ko tinaasan ko naman sya ng kilay sa reaksyon nya. Pero instead na ang Ginang ang sumagot, si Mang Marlon ang sumagot sa amin.
" Kung ikwekwento ba namin sa inyo hindi ba kayo matatakot at kakaripas ng takbo." seryosong tanung ni Mang Marlon na nakasandal sa may pinto ng kusina.
Napalingon naman kaming lahat na nakaupo sa kanya, at sa hndi maipaliwanag na dahilan bigla kaming napalunok lahat.
Ang creepy naman kc ng seryoso nyang mukha. Pwede namang tamang serious lang di ba. Para tuloy natatakot nakung malaman,mali nga yatang nasabi ko ung nangyari knina.
" B-bakit po M-mang Marlon?.. A-ano po b-bang nakakatakot sa ikwekwento nyo?." nauutal na tanung ko,dahil sa kaba.
"Dahil ang baryong to tlaga ay ta.." sasagutin na sana nito ang tanung ko nang biglang may umalulung na aso sa labas.
"Aaawwooo!!!!."malakas at mahabang alulung ang narinig namin.
Halata sa itsura ni Mang Marlon ang pagkabalisa,nang marinig ang alulung ng Aso.
Maging ang itsura ni Aling Analou ay ganun din, lalo na nang mahuli ko magtinginan ang mag-asawa parang may kung anung mensahe silang sinasabi sa isa't isa.
Maging tuloy kami ay nakaramdam na rin ng pagkabalisa sa inaasta ngaun ng mag-asawa.
Lihim kaming nagtinginan at nagpapakiramdaman sa isa't isa, na para bang alam na nilang may mali ngaun sa ikinikilos nang mag-asawa.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------
MIKOY POV
![](https://img.wattpad.com/cover/65461750-288-k412256.jpg)
BINABASA MO ANG
" BARYO MISTERYO "
Mystery / ThrillerISANG ISLA.. ISANG BARYO.. SAMPUNG BAKASYUNISTA.. SASAMA KA BA SA PAGTUKLAS NG LIHIM NITO.. TARA NA SA "BARYO MISTERYO" This story is first published in facebook page: University of Horror Story Year2015. PAALALA: Kung masyadong mataas ang expectat...