ARRON POV
" Mga Pre.. may nakikita nakung bahay.." putol ko sa usapan nila. Huminto naman sa pag-uusap ang lahat at agad nagsisilip sa labas.
" Hay..Buti naman may bahay na tayong nadaanan at pwedeng tuluyan." buntong-hininga ni makoy.
" Sana naman hindi sinumpa ang mga tao dyan Ron.." agad naman nasambit ni betty na iniiwasan ko ngang masabi.
" Honey ko masyado mong tinatakot ang sarili mo, mala'y mo naman baka ung parteng un lang na dinaanan natin ang may sumpa di ba.. wag kayong nega mag-isip." turan ko agad dahil kita ko sa salamin ang biglang pagkabahala ng lahat.
" Tama si Ron.. hndi naman tlaga sure yung mga nagkwento kung sinumpa talaga to.. malay ba natin baka dun nga lang sa dinaanan natin ang may sumpa..tas kaya wala silang napapansin bakasyunista bumabalik sa way na yun dahil humahanap ng ibang daan ang mga ito.." sang-ayon ni Pedring sa sinabi ko.
Mukhang kinagat naman nila ang paliwanag namin kaya kampante na ulit ang mga ito.
~SA KABILANG BANDA~
Ang kaninang halimaw na sumugod sa kanila ay mabilis na nagpalit anyo, ng makarating ito sa baryo. Duguan pa ang damit nito na agad nitong hinubad at mabilis na naligo. Napansin naman ito ng kanyang may-bahay na dumating.
" Marlon!!!Ikaw ba yan?!." sigaw ng babae mula s kusina.
" Ako toh! Annalou may mahalaga kung sasabihn sayo.." sagot naman ni Marlon mula sa banyo.
" Ano nanaman yan ha?! na may napatay ka nanaman!!kahit katirikan ng araw!!." sermon nito sa asawa.
Matapos makapaligo si Marlon at nakapag palit ng damit ay agad nitong pinuntahan sa kusina ang asawa.
" Bumalik sya.. bumalik na si Esmeralda..magwawakas na ang sumpa natin.,makakahingi na tayo ng tawad sa kanya."
" Marlon imposible yang sinasabi mo..kasabay ng sumpa sa atin,ang pagkamatay nya.."
"Posible yun Annalou may kapangyarihan sya.. Isa pa nakita ko sya kanina sa lugar kung san may pinaslang akong walang kwentang nilalang." Nahinto si Annalou sa ginagawa at nagtatanong ang mga mata nito.
" P-paanong nangyari yun? baka naghahallucinate ka na Marlon, kaya minumulto ka ng kaluluwa ni Esmeralda."
" Hindi ako namamalikmata dahil kasama sya sa mga bagong bakasyunista, muntik ko na ngang patayin sila dahil nakita nila ako sa anyo kung halimaw..pero nung makita ko sya alam kung sya yun, dahil nung tangkain ko syang hawakan bumalik ang normal kung kamay., si Esmeralda lang ang kayang gumawa ng ganun sya lang..isa pa kamukha nya si Esmeralda."
"Marlon wag kang magbiro ng ganyan..baka maniwala ko sa mga sinasabi mo."
Magsasalita pa sana si Marlon ng may tumatawag sa labas ng bahay. Na ikinatingin nila sa isa't isa.

BINABASA MO ANG
" BARYO MISTERYO "
Mystery / ThrillerISANG ISLA.. ISANG BARYO.. SAMPUNG BAKASYUNISTA.. SASAMA KA BA SA PAGTUKLAS NG LIHIM NITO.. TARA NA SA "BARYO MISTERYO" This story is first published in facebook page: University of Horror Story Year2015. PAALALA: Kung masyadong mataas ang expectat...