Chapter XXI: Ang lalaking nakaitim

78 0 0
                                        

Angie POV

             Matapos ko silang palabasin lahat sa kubo. Inayos ko ang mga gagamitin ko para mamaya.

            Ang totoo nyan hindi ko naman na dapat sila pinalabas dahil handa naman na lahat ang gagamitin. Gusto ko lang naman talaga pansamantalang mapag-isa.

            Gusto kung namnamin ang oras sa loob ng kubo, at pansamantalang alalahanin ang nakaraang magkasama pa kami ng aking Ina.

            Hindi ko maiwasang lumuha sa mga ala-ala pero dahil yun sa namimiss ko lamang talaga ang aking namayapang Ina. Agad ko din pinunasan ang namuong luha ko.

           Nang biglang magpakita sa akin ang nilalang na naka-itim.

            "Angela" malamyos ang tinig ng tumawag sa aking likuran.

             Nang lumingon ako nakita ko ang nakaitim na tumulong sa amin nina Mang Marlon sa bahay.

            " Ikaw?! Panu kang nakapasok? Ang nilalang na tulad mo ay hindi makakapasok sa lugar na to.." tanung ko.

             " Ang nilalang na di pinahintulutan ang di makakapasok dito..alam ko yun sapagkat ako lang ang nilalang na maaaring makapasok dito, na pinahintulutan ng iyong Ina."sagot nito sa akin.

              Dahil dun nahulaan ko na kung sino ang nilalang na nasa harap ko. Walang iba kundi ang kababata ko si Sagi.

              " Sagi?! I-ikaw ba yan.." gulat ang reaksyon tanung ko sakanya.

              Ngumiti lang ito at pinakita sa akin ang kanyang mukha. Na halos ikalaglag ng aking panga dahil sa angking kakisigan nito.

               " Kamusta ka na Prinsesa ko." mataman itong nakatitig sa akin.

               " SAGI!!!! Ikaw nga.. Ang saya kung makita ka ulit." nagagalak talaga akong makita sya kahit napakalaki ng pinagbago ng itsura nito. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap sya.

                Tumugon naman ito nang yakap din sa akin.

THIRD PERSON POV

              Sa kabilang banda.

               Hindi naiwasang di magselos ni Tisoy sa nasaksihan nya sa paninilip nya, sa maliit na siwang sa may kubo.

               Kitang-kita nya ang pagkakayakap ng nilalang na nakaitim at ni Angie. Ang nararamdaman nyang tuwa kanina ay napalitan ng panibugho, lalo pa at tingin nya mas lamang ang nakaitim na iyon sa kanya.

              Kung kelan naramdaman nyang  may gusto nga sya kay Angie sumulpot naman ang sa tingin nya'y magiging karibal nya pagdating dito.

               Agad na syang umalis sa pagkakasilip, dahil di na nya matagalan ang nakikita nyang pagkakalapit ng dalawa.

" BARYO MISTERYO "Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon