CHAPTER II

116 1 0
                                    

ARRON POV

Pupungas-pungas kaming nagising nang huminto ang sasakyan, at pabalibag na sinara ni tisoy ang pinto at dali-dali pumasok sa natanawan naming kainan.

" Pedring..ano problema ng isang yun?." akbay ko at nguso sa direksyon kung san pumasok si tisoy.

" Malay."kibit blikat nito.

Agad kaming nagsipagbaba sa van at nag-unat-unat kami ng mga nangalay naming binti at katawan,saka namin sinundan si tisoy s loob ng kainan.

Nakita naming nagpareserve na ito nang lamesa para sa amin,pero sya ay mataman pa ring nakikipag-usap sa isang matandang lalake mula sa isang lamesa.

Pinagmasdan ko ang paligid at mangilan-ngilan pa lang ang mga taong kumakaen. Ang iba'y tulad naming turista at ang iba naman ay mukhang mga taga Isla na. Agad kaming naupo sa mahabang lamesa.

" Ron-ron.. sa tingin mo,ano kaya pinag-uusapan nila tisoy at nung matanda?." tanong ni Pedring sa'kin na sinamaan ko ng tingin.

"Oopps.. cenxia naman..malay ko ba?.. baka may alam ka di ba..hehehehe." palusot nito.

" Taga maynila ba kayo mga hijo hija.?ako nga pala si Aling Sonya at Yun naman ang asawa kung si Kanor..Maligayang pagdating dito sa aming Isla." nakangiting pakilala nang matandang babae sa amin, saka tinuro ang kanyang asawa na kasalukuyang kausap ni Tisoy.

" Opo taga maynila po kami Aling Sonya." sagot ng girlfriend kung c Betty.

" Mukhang malayo ang biniyahe nyo ha..at parang malayo rin ata ang destinasyong inyong pupuntahan."pansin ng matanda samin.

"Ah oho.. malayo nga po, balak po naming magcamping at hiking sa Kabilang baryo ang sabi sa mapa na nabili namin the best daw ang spot na yun para magcamping at hiking.,totoo po ba yun?." sagot ko at tanung na rin s matanda na parang biglang natahimik.

Tatanungin ko pa sana ang matanda ngunit dumating na pala ang inorder na pagkain ni tisoy para samin.

Pero hindi naka-iwas s paningin ko ang malungkot at parang takot na pag-iling ng matanda, na animo'y may gustong ipahiwatig s amin, lalo na nang malayo silang nag-uusap ng kanyang asawa,na halatang ayaw iparinig sa amin.

" BARYO MISTERYO "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon