Arron Pov
Nakarinig kami ng mga yabag sa labas ng kubo kung kaya't bahagya kaming lumayo sa pinto at dingding sa takot na bigla na lang kami dakmain ng nilalang sa labas.
Hanggang sa magsalita ang mga ito.
" Mga bata buksan nyo ang pinto si Aling Analou at Mang Marlon ito."
Nagtinginan naman kaming lahat kung pagbubuksan ba namin ang mga ito o hindi.
" Pagbuksan natin sila..baka kasama nila si Angie, Ron." sabi ni suzy sa akin.
" Ayoko natatakot ako, baka kainin nila tayo " nangangambang sabi ni nic-nic.
" Hindi yan Nic mabait sila., tinulungan nga nila tayo di ba?" pag-aalo ni makoy sa nangangambang nobya.
" Pagbuksan na natin sila Ron." payag naman nila mikoy at tisoy.
Binuksan ko nga ang pinto at tumambad sa akin ang duguan na si Angie na walang-malay na akay-akay ni Aling Analou at ng isa pang di katandaang babae.
" Angie!.. Ano pong nangyari sa kanya?!" gulat kung tanong sa dalawang Ginang na kinuha sa kanila ang pasan nilang si Angie.
At pinangko ko papasok ng kubo at inihiga sa bakanteng kwartong may papag.
Sumunod naman ang lahat sa kwarto sa pag- aalala nila kay angie, kaya di namin napansin na may isa pa pala silang dala- dala na ikinalingon namin sa labas ng kwarto dahil pumapalahaw ng iyak si Pedring.
Nang tignan namin lahat kung bakit?. Nakita namin ang wala ng buhay na si wendy na yakap- yakap nito.
Kita rin namin ang itsura ng sinapit nito sa mga halimaw na halos hindi na namin matignan, lalo na nang mga kasama naming babae na nagsisi-iyak na din sa nakikitang kalunos-lunos na nangyari kay wendy.
" Wendy!!!! aahhaa...wendy!!!patawarin mo ko! pa-ta-wad..hindi kita natulungannnn!!!" umaatungal na iyak ni pedring habang yakap yakap ang wala ng buhay na si wendy.
Nagulat kami nang bigla tumayo si pedring at nilapitan nito si Mang Marlon na nananahimik lang na nakamasid sa kanya." KAYO!! KAYO DAPAT ANG MAMATAY!!!! KAYO ANG HALIMAW!!!KAYA DAPAT KAYO ANG PINAPATAY!!! AT HINDI ANG MAHAL KO!! MAMATAY NA SANA KAYO!!!" galit na galit na sambit ni pedring na hinawakan pa ang balikat ni Mang Marlon habang inaalog ito.
" Fred huminahon ka.. hindi sila Mang Marlon ang may gawa nyan! tignan mo nga nasagip pa nila kahit papanu ang katawan ni wendy na muntikan ng maubos.. wag sila ang sisihin mo." awat ko kay Fred at unti-unti ko syang inilalayo kay Mang Marlon. Ako na rin ang humingi ng dispensa sa ginawa ng kaibigan ko na naintindihan naman nito.
Lakas loob namang binuhat ni mikoy at tisoy ang labi ni wendy sa kabilang kwarto na may papag din at tinakpan ito nang kumot na nakita lang din nila dun mismo sa kwartong yun.
Sa kabilang kwarto naman ay nililinisan nila Aling Analou at ng kasama nito ang mga sugat ni angie sa braso na ikinalabad ng unting laman nito sa sonrang lalim ng pagkakakalmot.
" Paano po nangyari yan sa pinsan ko aling analou?" tanung ni suzy na hindi agad sinagot nang ginang, bagkus ay napansin kung napatingin ito sa kasama nyang napapayuko sa tinuran ni suzy.
" Patawarin nyo ko mga hijo't hija..ako may gawa sa kanya nyan,hindi ko naman kasi alam na sya si Esmeralda nasugatan ko tuloy sya, mabuti na lang at naawat ako ni analou kung hindi patay na rin sya ngayon..patawad." hingi ng tawad ng ginang sa amin.
Hindi namin alam kung anu ang aming isasagot. Pero may mha katanungan ulit na namumuo sa aking isipan na maapasahanggang ngayon ay di pa nasasagot. Kaya dun mismo ay tinanong ko sila." Matanung ko lang Aling Analou., Sino po ba talaga si Esmeralda? Bakit ganyan na lang kayo matuwa nung makita nyo si Angie na kamukha ni Esmeralda na tinutukoy nyo? Ano po bang ksya nyang gawin kung sakali nandito sya?," sunod-sunod kung tanong sa ginang.
Tinapos muna bendahan ni Aling Analou ang braso at ang sugat sa noo ni Angie bago ito naghandang sumagot sa akin.
" Si Esmeralda ang babaeng nagsumpa sa amin na mahing ganto kami., Sya ang naging matalik namin kaibigan ni Marlon noon ng nabubuhay pa sya, ito ang kanilang tahanan mag-ina..malayo sa baryo..simple lang." paunang kwento nito.
" Ang totoo nyan dumating na lang sya bigla sa baryo kasama ng kanyang napakagandang anak at piniling mamuhay dito sa gubat malayo sa mga bahay ng mga taga baryo, dahil walang nakakakilala kung san sila nanggaling naging misteryosa na ang dating nya sa mga taga baryo.
Hanggang sa malaman namin sa anak nito kung ano ba ang trabaho ni Esmeralda. Napag-alaman naming marunong ito manggamot ng mga na engkanto o nabati ng mga di nakikitang nilalang sa paligid. Nilalabanan din nito ang mga masasamang nilalang na gustong salakayin kami. Noon kasi talamak sa baryo namin ang mga ganun pangyayari. Kaya sobra ang tuwa namin na may tagapagtanggol na kaming tulad nya. Simula nun naging magiliw ang buong baryo sa kanila.Pero nagbago yun ng biglang kumalat sa baryo na kumabit sya sa Don na kilala sa baryo namin. Naging masama kami sa kanya, andyan na batuhin sya ng mga taga baryo ng kung ano-anung bagay sa tuwing sila ay dadaan, maging kaming mag-asawa ay nilayuan sya sa simpleng kwentong kumalat na yun, nadadamay pati ang anak nya na walang kamuang-muang sa nangyayari." mahabang kwento ng ginang na huminto pansamantala sa pagsasalita nang bumalatay sa mukha nito ang lungkot ng maalala ang nangyari.
" Pagkatapos po ano pong nangyari? Sinumpa na kayo.." tanong ni nic-nic.
" Nagalit sya nang muntikan na silang sunugin mag- ina ng buhay ng mga lokonh taga baryo na napag- utusan lang din ng iba." dugtong ni Aling Analou sa mahabang kwento nito.
" What?!" gulat na react ng girlfriend ko. " Dahil lang sa kumabit sya nagawa na ng mga taong yun na sunugin yung mag-ina..anong klaseng mga utak yan! ang babaw nyo naman magalit dahil lang dun! Pathetic people!! Do they have brains?!" gigil na muling react ng girlfriend kung si betty.
" Hon.. relax ka lang, patapusin mo muna si aling analou." pagpapakalma ko sa kanya.
" Ang sama kasi eh! saka sure ba kayong kumabit nga yung tao ni hindi nyo man lang tinanong bigla na lang kayong nanghusga." baling ni betty sa dalawang ginang na napapayuko sa hiya.
" Kaya nga..matapos kayong proteksyunan sa mga nilalang na ngayon ay kauri nyo na rin.. bigla na lang kayong nanghusga agad." susog naman ni nic-nic na pinaboran ang naging reaksyon ng girlfriend kung si betty.
" Yun nga ang pagkakamali namin sa kanya di namin sya binigyan nh pagkakataon para magpaliwanag sa mga bagay na yun, at mas naniwala kami sa taong nagpakalat ng kwento na iyon..walang iba yun kundi si Kadyo, na kinausap daw ng asawa ng Donna patayin na yung mag- ina dahil nga daw nanggugulo daw si Esmeralda sa kanila."

BINABASA MO ANG
" BARYO MISTERYO "
Mystery / ThrillerISANG ISLA.. ISANG BARYO.. SAMPUNG BAKASYUNISTA.. SASAMA KA BA SA PAGTUKLAS NG LIHIM NITO.. TARA NA SA "BARYO MISTERYO" This story is first published in facebook page: University of Horror Story Year2015. PAALALA: Kung masyadong mataas ang expectat...