ARRON POV
Nang mga sandaling ito ako ang humahawak sa manibela. At hindi maalis sa isip ko ang mga katanungan na kanina pa gumugulo sa akin. Kaya ako na mismo ang nagtanong sa kanila.
"Mga Dre.. wala ba kayong napansin sa dalawang mag-asawa na may-ari nung kainan.?." tanong ko sa mga kasama ko na pansamantalang tinigil ang kanilang pinaggagagawa,at tumingin sa'kin.
" Hhmm.. wala naman Ron,bakit mo natanong?." sagot sa'kin ni Mikoy.
" Para kasing may gusto silang sabihin sa'tin eh..kaso parang nag-aalangan sila."
" Aisus..umiral nanaman ang pagiging mapanghinala mo Arron." sagot ni Pedring sa'kin.
Hindi sa mapanghinala ako, pero malakas tlaga ang kutob kung may gustong sabihin sa'min ang matatanda. Saka ko naalala si Angelo, sya ang matagal na nakausap ng matandang si Mang Kanor.
" Angelo! ano nga pala pinaguusapan nyo nung matanda kanina?."
"Ah-eh wala.. nagkwento lang sa kagandahan ng Isla." sagot nito sa akin na parang may bumabagabag sa kanya, pansin ko yun, dahil di ganun ang typical na tisoy na kilala ko.
Dapat hanggang ngayon badtrip pa rin ito sa ginawa namin sa kanya na gawing driver sya. Pero ngayon,parang ang lalim nang iniisip nito.
Kinukutuban na talaga ko. May tinatago talaga yung dalawang matanda kanina, at siguro nasabi ni Mang kanor kay tisoy yun,pero kung meron naman, ba't parang ayaw sabihin ni tisoy ang mga bagay na yun..anung pumipigil sa kanya.
" Hon.. nanahimik ka ata, may problema ba?." tanong ni betty sa akin sa malalim kung pag-iisip na ikinalingon ko sa kanya.
" Wala.. may iniisip lang ako."
"Ano naman yun?."
Dahil di naman iba sa akin si Betty, mahina kung sinabi sa kanya na ang hinala ko.
" Ikaw talaga hon.. malay mo naman na ganun lang talaga sila makatingin, wag mo kasing bigyan lahat ng pakahulugan ang mga kilos ng mga tao sa paligid mo.. isa pa nandito tayo para magsaya, dinadala mo kasi yung trabaho mo dito kaya kung anu-ano na napasok sa isip mo." dantay ng ulo nito sa balikat ko.
Siguro nga tama si Betty. Kung anu-ano na napapansin ko.
Nang biglang may sasakyan na humaharurot, ang biglang sumulpot sa tagiliran nang sasakyan namin at nakikipag-unahan sa amin sa malawak naman na daanan.
Agad kung kinbig ang manibela ng sasakyan at bahagyang binagalan ko ang takbo upang maka-ungos na sila sa amin,at lahat kami ay napapailing na nakasunod tanaw na lang sa palayong sasakyan nang mga kabataan iyon na mukhang papunta din sa Baryong amin pupuntahan.
----------------------------
ANGIE POV" Ina!Ina! tignan mo bigay ng taga-baryo sa akin.. ang ganda hindi ba." pakita ng musmos n batang babae sa hawak na puting bestida.
Tuwang-tuwa na ipinapakita sa kanyang Ina, na naghihiwa nang gulay na uulamin nila.
Lumuhod ito sa kanya at inayos nito ang nakatirintas niyang buhok,at ngumiti.
" Ang ganda nga bagay na bagay sa iyo anak..nagpasalamat ka ba sa kanila."
" Opo Ina."
----------------------------
Nagbubulungan ang mga taga baryo sa tuwing dadaan ang Mag-ina. Ang iba'y binabato pa sila."Ina ba't nila tayo binabato?..bakit parang galit na sila sa atin.?." tanung ng batang walang kamuang-muang sa nangyayari.
Habang pinoprotektahan sya nang kanyang ina sa mga binabato sa kanila ng taong bayan.
" Hindi na nahiya..akala mo mabait yun pala kumakabit..at sa Don pa." parinig ng isang matandang babae sa kanila.
" Ina.. sino po yung sinasabihan nilang kabit.? Di po ba si.." tanong ng bata at may sasabihin pa sana ito pero pinigilan sya ng kanyang Ina. At binuhat na sya palayo sa mga mapanghusgang mata ng taga baryo.
" Hoy! Angie..gising!." yugyog sa akin ni Nic-nic.
" B-bkit?." naalimpungatan na tanong ko sa kanya.
" Anong bakit?!. para kang binabangungot kaya..okey ka lang ba?!"
" Ah.. bka napasarap lang ako ng tulog." sagot ko.
Iyon nanaman yung dalawang nilalang sa panaginip ko. Sino ba talaga sila?.

BINABASA MO ANG
" BARYO MISTERYO "
Mystery / ThrillerISANG ISLA.. ISANG BARYO.. SAMPUNG BAKASYUNISTA.. SASAMA KA BA SA PAGTUKLAS NG LIHIM NITO.. TARA NA SA "BARYO MISTERYO" This story is first published in facebook page: University of Horror Story Year2015. PAALALA: Kung masyadong mataas ang expectat...