Chapter XXIV: Sacrifice

83 0 0
                                    

TISOY POV

                   Nagising ako sa kwarto na pinagamit sa amin nina Mang Marlon nang mapagtanto kung umaga na pala.

                    Ako na lang pala ang hindi pa gising matapos ang nakakapagod na gabi ng takbuhan,tilian,sigawan, ritwal para sa pagtanggal ng sumpa at pagbuhay sa isang patay.

                    Pagdungaw ko sa may bintana,nakita ko ang mga kaibigan kung nagkakape sa labas habang nakikipag-usap sa mga ilang taga baryong masaya na't isa na ulit silang purong tao at kelanman hindi na muling magiging halimaw ulit.

                     Nahalata ata nila ko na nakatingin sa kanila kaya sinenyasan nila ko para bumaba.

                    " Tisoy!!!!!bumaba ka na dyan!!!" rinig kung tawag ni nic- nic sa akin na isinesenyas pa ang mga kamay nya na bumaba naku.

                    " Oo Nandyan na!! Bababa na!" sagot ko na umalis na sa pagkakadungaw sa bintana.

                    Lalabas na sana ako ng kwarto ng mapansin ko ang naiwang gamit ni angie. Di kalayuan sa gamit ko.

                   Muli nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib ng maalala ko sya.

                  Kagabi lang yun nangyari pero parang taon na sa akin ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

                 Ang gabi kung kelan ang puso ko'y handa nang umibig pero agad din naman luluha nang sobra at masusugatan.

                Pagkababa ko ay agad akong nakita ni mikoy at sinalubong ng kanyang hawak-hawak na mainit-init na tasa ng kape at inabot ito sa akin.

               " Kape ka muna.. Sarap nyan pre kababayo lang nyan kanina, tas fresh na gatas ng kalabaw nilagay ko at unting pulot para medyo may tamis " nakangiting turan nito sa akin.

              " Salamat dre.." kuha ko sa tasa nang mainit na kape sa kanya.

               " Ayos kana bah dre?"tanung nito sa akin, dahil sa lahat nang mga kasama ko sya lang ang nakapansin ng damdamin ko para kay Angie kahit hindi ko ito sinasabi sa kanya.

               " Yah maybe.." tipid na sagot ko sa tanong nya. Saka kami naki-umpok sa iba.

               Pinaguusapan nila ang nangyari kagabi, maging ang himalang pagkabuhay ng patay na..na si wendy ay matunog din sa usapan.

               Habang ako ay nakaupo lang sa tabi at inaalala ang kagabing nangyari.

~flashback~

              Nang magsimula na ang ritwal na sinasabi ni Angie ay tahimik kaming nakamasid sa gilid.

             Halos mandiri at maduwal-duwal kami sa itsura nya dahil napuno ang buo nyang katawan ng dugo na galing sa mga taga baryo. Sa tuwing hihiwain ng mga ito ang kani-kanilang mga palad at ipatak kay Angie ang dugo na lumalabas dito.

             Pero parang balewala yun kay Angie na nakapikit lang at mahinang umuusal ng mga salita, habang ang kasama naman nitong si Sagi ay may kung anung ginagawa sa lupa gamit ang kalawit nito paikot sa pwesto ni Angela.

             Nang walang anu-ano ay humangin ng malakas matapos ang kahuli-hulihang patak ng dugo galing sa huling taga baryong isinumpa.

            " Oh M Gee!! Anong nangyayari?! Ba't biglang humangin ng malakas?" rinig kung sabi ni Betty na nakakapit kay Ron dahil napapaatras na ito sa lakas ng hangin.

" BARYO MISTERYO "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon