ANGELO POV
Sambakol na ang mukha ko kanina pa sa biyahe. Sana di na lang ako sumama sa mga kumag kung katropa.
Ang mga walang-hiya ginawa akong driver habang sila nakikipaglambutsingan na sa mga girlfriend nila.
Palibhasa ako lang ang walang girlfriend dito.
"ARAYY!!!ANU BA?! bat ka ba nanghahampas,tignan mong nagdadrive ako..gusto mong ma-aksidente tayo ha!." pa-angil kung bulyaw sa katabi ko.
Isa pa tong katabi kung kinaaasaran ko..pisti talaga!magsasama pa sila tomboy pa ata..kung bebot sana ang sinama nila eh di sana hindi masama ang loob ko ngaun,atleast may partner din ako!hay bwisit talaga.
" Kanina pa kasi sambakol yang mukha mo at parang ang dami mong iniisip.. Pusta ko pinapatay mo na kami sa isip mo no!." sagot ng katabi ko na tatango tango pa.
" Pakialam mo ba ha?!..tsk.." sungit ko sa kanya.
" Sungit kaw na nga kinakausap eh.. mapanisan ka sana ng laway ewww..hahahaha." rinig kung sabi nito tas sinundan pa nya ng nakakaasar na tawa.
" Aba't !." pinigilan ko lang ang aking sarili at pinukos ko na lang ang isip ko sa pagdadrive.
" Relax tisoy..kalma ka lang inhale exhale" pagpapakalma ko saking sarili.
Pero muli ang katabi ko nanaman ang nagsalita.
" Tisoy pala pangalan mo.. ako nga pala si Angie.." sabi ng katabi ko pero iba ang himig ng pagsasalita nito kanina, parang biglang lumamya kaya tinignan ko sya.
Tahimik syang nakatingin sa labas habang nakasandal ang ulo nito sa bintana ng sasakyan. Saka ko lang napasadahan ng tingin ang mukha nito. Maganda pala ang gaga yun nga lang tomboy naman ata..sayang ang lahi..tsk..tsk..tsk. Iling ko saka muling tinuon ang paningin ko sa daan.
------------------------------
ANGIE POVPagkatapos dumaong ang barko sa pantalan ng Isla ng Pagong kung tawagin.
Kanina pa di mapalagay ang loob ko. Pakiwari ko'y matagal nakung nkarating sa Isla na'to. Lalo na nang maidlip ako sa biyahe, isang masamang panaginip ang gumambala sa nagpapahinga kung isipan.
Flashback..
" Tumakas ka na anak! iwan mo ang baryong ito at wag na wag ka nang babalik!!." sabi ng babaeng nakasuot ng mukhang pangmangkukulam na damit,buhaghag ang buhok nito ngunit makikita sa kanyang mga mata ang pagmamahal sa anak na kanina pa pumapalahaw ng iyak.
" Ina!Ina! sumama na kayo sa'kin ayoko kaung iwaaann!!!." pagsusumamo ng bata.
" Hindi maaari dapat silang magbayad lahat!! mga wala silang kwentang nilalang..mga walang utang na loob!!!dapat silang magdusa sa ginawa nila!!!." namumuhing sagot ng ina nito..
"At hindi ko magagawa un pagnandito ka..kaya umalis ka na magpakalayo-layo.. at wag na wag kang tatapak muli sa Baryong ito anak naintindihan mo?!naintindihan mo ba ko?!."mahigpit na paalala nito sa bata.
Dahil musmos pa tumango na lang ang bata kahit puro uhog at luha na sya.
" Umalis ka na! alis!." taboy ng ina,pagkalagay nito sa kwentas sa kanya. Nagtatakbo ang bata sa kasukalan ng gubat at sa kadiliman na tinatahak hindi nito napansin ang matarik na bangin papunta sa dagat.
" Aaahhhaa!!!." umalingawngaw ang sigaw nito.
~end of flashback~
Iyon ang huling natatandaan ko sa aking panaginip. Kaya para matuon ang atensyon ko sa iba at kalimutan ko ang panaginip na yun ay kinausap ko na lamang ang driver namin na gwapo sana pero sambakol naman ang pagmumukha.
![](https://img.wattpad.com/cover/65461750-288-k412256.jpg)
BINABASA MO ANG
" BARYO MISTERYO "
Misteri / ThrillerISANG ISLA.. ISANG BARYO.. SAMPUNG BAKASYUNISTA.. SASAMA KA BA SA PAGTUKLAS NG LIHIM NITO.. TARA NA SA "BARYO MISTERYO" This story is first published in facebook page: University of Horror Story Year2015. PAALALA: Kung masyadong mataas ang expectat...