ANGIE POV
Kapansin-pansin sa kanila ang biglaang nilang pananahimik nang lumabas kami ni Sagi. Marahil nagtataka ang mga ito kung sino ang nilalang na kasama ko.
" Pagpasensyahan nyo na po ko't medyo natagalan po ako sa loob. Nagpatulong pa kasi ko sa kanya sa ibang bagay." kausap ko kina Mang Marlon at Aling Analou, saka ko tinuro si Sagi na kasunod ko lamang.
aw " Sino sya Angela?" takang tanong ni Mang Marlon sa akin.
Saka ko naalala na si Aling Analou lang pala at ako ang nakakita sa kanya sa bahay dahil sugatan at walang malay na ito kanina.
" Marlon sya ang nagpagaling sa iyo kanina" rinig kung bulong ni Aling Analou kay Mang Marlon.
" Sya ang nagpagaling sa akin? Kung ganun maraming salamat sa iyo." hingi ng pasasalamat ni Mang Marlon kay Sagi.
Tumango lang si Sagi bilang tugon,ngunit hindi nito pinapakita ang mukha sa kanila.
" Sya na ba?! Sya na ba ang magtatanggal ng sumpa sa atin." dinig kung tanong ng ginang kina Manh Marlon.
"Kamukha nya nga si Esmeralda..di magkakailang sya ang batang yun." sambit naman ng isa pang ginang.
" Tama! ang batang si Angela!!sya mga yun." dugtong pa ng isang ginang, na sinundan ng mga bulong-bulungan ng lahat ng nandun na isinumpa.
Na sinundan pa ng pagluhod sa harap ko na para bang sinasamba ako. Ngunit ang mga katagang lumalabas sa kanilang mga bibig ay walang iba kundi ang paghingi nila ng kapatawaran.
" Patawarin mo kami!! Patawarin mo kami sa mga ginawa namin!!! Nagsisisi na kami sa maling paratang sa iyong Ina!!! Bawiin muna ang sumpa!! Maawa ka sa amin!!"sabay-sabay nilang sabi sa akin habang nakaluhod na tulad ng ginagawa ng mga muslim.
"Wag nyo pong gawin yan..utang na loob! Hindi po ako isang diyos para luhuran nyo pa at umakto pa kayong ganyan,magsitayo po kayo."nahihiya kung saway sa kanila at tinayo ang mga taong malapit lang sa akin na nakaluhod para magsitayo na rin ang iba.
" Hindi na po kayo kelangan umakto ng ganyan,dahil babawiin ko na po ang sumpa,matagal na panahon naman na ang nakaraan at marahil sa panahon na yun natutunan nyo na siguro ang inyong pagkakamali..hindi ko kayo masisising nagawa nyo ang mga bagay na iyon sa amin, dahil biktima lang din kayo ng maling impormasyon." panimula kung sabi.
" Hiling ko lang na gawin nyong aral ang mga ito sa inyong buhay.. Na hindi sapat na basehan ang iyong naririnig para husgahan ang kapwa nyo,dahil sa maling panghuhusga na ginagawa nyo nakakadagdag lang kayo na maling impormasyon din sa iba." mahaba kung paliwanag sa kanila na ikinayuko nilang lahat sa hiya.
" Tara na po,pumunta na po tayo sa lugar kung san namatay si Ina." aya ko sa kanilang lahat.
Nauna na kaming naglakad ni Sagi kasunod sila Mang Marlon ar ang mga kasamahan kung tahimik lang din.
Alam kung puro katanungan na sila ngayon kung sino si Sagi,ngunit wala nakung oras para kausapin pa sila sa ngayon.
Kelangan ko mabawi ang sumpa bago mag alas- dose ng gabi. Kung hindi mawawalan ng bisa ang gagawin kung ritwal ayun na din kay Sagi.
Dahil hindi naman kalayuan ang lugar kung san napatay ang aking Ina king kaya't nakarating din kami agad.
TISOY POV
Hindi ko maiwasan ang mga mata kung di pukulin ng matatalim na tingin ang pamisteryosong nilalang na nakaitim na katabi ni Angie,na agad nanaman pa lang napansin ni Mikoy sa akin.
" Hoy! Ang sama ng tingin mo dun sa kasama ni Angie na pamisteryoso ha!" siko nito sa akin. "Aminin mo nga nagseselos ka noh!" mahina pero nanunuksong turan nito sa akin.
" Hindi noh!..masakit na mata ko kaya ganto naku makatingin, kaw kung anu-ano nanaman iniisip mo."depensa ko sa kanya.
" Psst..lul ka pre, tignan mo kaya mukha mo ngayon sa salamin,ayaw pa kasing aminin halata naman."pambubuyo nya pa sa akin.
" Wala kung aaminin sayong bugok ka..ang gawin mo atupagin mo na lang yang girlfriend mo dun kesa ako,mamaya pagkamalan pa nya tayong magjowa dikit ka ng dikit sa'kin kadiriii!!"tulak ko sa kanya.
Tatawa-tawa naman itong lumayo sa akin at dumikit ulit kay Suzy. At sumenyas pa ito para mang-asar lang.
Hanggang sa huminto kami sa paglalakad dahil nasa lugar na kami para gawin ang pagbawi sa sumpa.

BINABASA MO ANG
" BARYO MISTERYO "
Misteri / ThrillerISANG ISLA.. ISANG BARYO.. SAMPUNG BAKASYUNISTA.. SASAMA KA BA SA PAGTUKLAS NG LIHIM NITO.. TARA NA SA "BARYO MISTERYO" This story is first published in facebook page: University of Horror Story Year2015. PAALALA: Kung masyadong mataas ang expectat...