CHAPTER X: PANGITAIN

86 0 0
                                    

Angie Pov

              Nagsisunod na rin kami sa Ginang nang makaalis ito. Nagpahuli naku makalabas ng silid at pinauna na silang lahat.

              Pero biglang nagbago ang itsura nang paligid nang maglakad naku. Agad akong sinalingan ng kaba s dibdib.

              Sinubukan kung tawagin sila baka kasi namamalikmata lamang ako.

             "Guyz!!!! san na kayo?!!! S-suzy!!!!." malakas na sigaw ko hndi ako gumagalaw sa aking kinatatayuan nagbabakasakali na namamalikmata lang ako.

             Pero walang sumagot sa sigaw ko at mas lalong hndi nagbago ang paligid. Kinakabahan naku bakit naging ganto ang paligid,na san bko?.

               Nang libutin ko ng tingin ang kabuoan ng lugar kung nansan ako,para itong isang kubo.

               Dahan-dahan ako umikot para tignan ang nasa likod ko at napaigtad ako sa aking nakita sa pagkagulat nakatayo ang isang babae di kalayuan sa akin, busy itong inaayos sa lamesa ang mga bote na puro likido lang naman ang laman. Nang iangat nito ang mukha sa pagkakayuko at tumingin ito sa gawi ko, napasinghap ako sa aking namalas tumigil ata akong huminga.

            Hindi ako makapaniwala na ang babaeng nasa harap ko ay kamukhang-kamukha ko. Nagkaiba lang kami ng ayos ng buhok pero ang detalye ng mukha, hubog ng katawan ay para kung nasa harap ng salamin.

              " Nandyan ka na pla Anak.. Mukhang nakipaglaro ka nanaman kay Sagi."

             Hinanap ko kung sino ang anak na tinutukoy nito. Lumingon pako sa likod ko kung may tao ba akong natakpan,ngunit wla naman.

              Nakangiti lang itong direktang nakatingin sakin.

               " Hindi ka na makapagsalita dyan,hndi naman kita papagalitan eh..halika nga dto." tawag ng babaeng kamukha ko.

              Pero diko lam kung sino ba talaga ang tinatawag nya,wla naman kasi kung makita katabi ko.

              Saka ko napagtanto na ako pala ang kinakausap nito nang kusang maglakad ako papunta sa kanya.

             Kumakabog ang dibdib ko sa takot dahil hindi ko makontrol ang sarili ko lumapit sa babae. Nang makalapit naku mas lalo kung kinilabutan nang magsalita ako sa boses ng isang bata.

               " Ina! sumama po ko kina Sagi sa lugar nila maganda po dun,sori po di ako nagpaalam." salita ko na para bang ako ang bata, para ko namamaligno nang mga oras na yun takot at kaba ang namamayani sa dibdib ko.

           Puro ko tanung sa sarili kung ba't ako lang ang nakakaranas ng ganto. Porket kamukha ko si Esmeralda.

             Teka Esmeralda! tama ito siguro si Esmeralda na tinutukoy nila. Pero ba't ako ang nagpoportray ng anak nya,asan yung bata na nasa panaginip ko.

               " Lumalaki kang magandang bata anak, at marami din nahuhumaling na engkanto at lamang-lupa sa iyo, panu kung wala si Sagi sa tabi mo? hindi oras-oras nandyan sya anak." hawak nito sa pisngi ko, pero imbis kilabutan ako sa haplos nya parang nawala lahat ng nararamdaman kung takot.

                " Sa susunod na sasama ka sa kanya,dalhin mo ito anak.."kuha nito ng di kalakihang bote at inilagay nya sa mga palad ko.

                "Anak ipahid mo lang ang likidong yan sa buhok mo at dmit, para dka maamoy at makita ng mga kakaibang nilalang na nandyn lang sa paligid, Unting likido lang ang ipahid mo ay sapat na..espesyal na likido yan anak kaya ingatan mo." Bilin nya pa sa akin.

               Habang ako naman ay nakatingin lang sa hawak ko nang magpapasalamat na ako skanya, bigla na lang nagbago ang lahat muli nasa loob naku ng silid.

             Napaigtad pako sa gulat ng hawakan ako sa blikat, ng tignan ko si Tisoy lang pla.

            " Angie ayos ka lang bah?.. kanina ka pa tulala dyan, tara na nasa baba na sila."aya na nito sa akin.

              " I-ikaw pala tisoy..A-auz lang ako." nauutal kung sgot sa kanya.

              " Sure ka? tara na sa baba kung ganun.." sabi nito na tinalikuran naku.

              Pagkatalikod nya tinignan ko ang palad ko,hawak ko pa rin ang boteng binigay sa akin.

                Nakakapagtaka man kung panung nasakin pa rin ang bote. Tinago ko nlang ito sa bulsa ng pantalon ko,at sumunod kay Tisoy.

Sa kabilang banda

             Sa labas ng bintana,nakatago ang isang nilalang sa dilim at pinagmamasdan si Angie.

                "Hindi ko hahayaang manganib muli ang buhay mo dito sa baryo..hndi sa pagkakataong ito."sabi ng nilalang sa dilim na nakatanaw sa bintana ng kwarto ng mga bakasyunista.

" BARYO MISTERYO "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon