CHAPTER IX: 1.2

87 0 0
                                    

MAKOY POV

               Nilapitan ko si Arron na ngayon ay mukhang malalim ang iniisip na nakadungaw sa nakabukas na malaking bintana.

             Tinapik ko sya sa balikat para makuha ang atensyon nya.

             " Mukhang ang lalim ng iniisip mo Pre ha at seryosong-seryoso ka nakatanaw dito sa bintana." lapit ko sa kanya, saka ko sumandal patalikod sa bintana.

             " Kaw pala Makoy.. Hanggang ngayon kasi di pa rin ako makapaniwla sa nangyari sa'tin, lam mo yung pakiramdam na sana panaginip lang ang lahat, kaso hindi talaga eh! totoo talaga sya." seryosong sabi ni Ron sakin.

            " Kahit naman sino pare yan mararamdaman, ang nakakapagtaka pa nun katirikan ng araw.. kung sabagay akala siguro ng halimaw na yun kanina gabi na sobrang lilim naman kasi sa mga daanan dahil sa nagtataasang mga puno."

           " Iniisip ko nga Mac kung bukas umuwi na tayo.. wag na lang natin ituloy na magcamp sa bundok, nag-aalala ako s kaligtasan ng mga girlfriend natin eh.." suhestiyon ni Arron.

           Tinignan ko naman sya at mukhang desidido ito na umuwi na bukas.

             " Ikaw Pare.. sa'kin kasi nandito na tayo eh ang layo pa ng biniyahe natin para lang pumunta dito, pero kung pag-uusapan naman yung kaligtasan natin at ng mga kasamahan natin okie tol sasang-ayunan kita dyan."

             " Salamat Mac.. pero di lang naman tayo ang magdedesisyon nyan, mas magandang tanungin natin sila."

              " Ako nang bahala dyan Pare.. relax ka nalang dyan mukha ka nang Manong hindi ka na nalalayo sa itsura ni Mang Marlon..tsk tsk tsk.. Sige ka ako na ang pangalawa sa gwapo ay hindi pla una na dalhil tulad mo mukhang tuliro rin si Tisoy..hehehe." biro ko kay Ron na nginisian ko pa ng nakakaloko.

            " In your dreams Pare..dun ka na nga!."taboy nya sa'kin, atleast napangiti ko sya kahit papanu.

           Saka ko pumalakpak para kunin ang atensyon ng lahat.

           " Attention Guyz may sasabihin lang ako!." agaw atensyon ko sa kanila n ikinatingin nilang lahat s akin.

             " May napag-usapan kami ni Ron at kelangan namin ng opinyon nyo dito."

              " Tungkol san naman Makoy?." tanung ni Pedring sa kin.

              " Ahhmm.. kung ano ang gusto nyo tutuloy pa ba na'tin to oh uuwi na tayo?."

            " Tinatanung pa ba yan, gusto ko ng umuwi.. bakit kayo ba ayaw nyo?." react nanaman ni Wendy.

               " Babe gusto munang umuwi?. ako kasi ayaw ko pa nandito narin lang naman tayo ba't hindi tayo ang tumuklas ng misteryo bumabalot dito sa pinagkwekwentuhan nilang baryo, magandang scoop to." sagot ni Pedring na umiral ang pagiging news reporter.

               " Scoopin mo mukha mo! hndi ko pinangarap mamatay ng lasog-lasog ang katawan no! maiwan ka kung gusto mo.." tulak ni wendy ng malakas kay Pedring.

               Umawat naku s napipintong bangayan ng dalawa para hndi na magtagal pa ang usapan.

               " Ehem!! for the meantime awat na muna ang bangayan nyong dalawa, we need your answer.. ayaw naman naming magdesisyon ng kami lang."

              Tumigil nga ang dlawa pero halatang nagkatampuhan na.

               " Back to the topic tayo..Ano sa tingin nyo Guyz?." muli ay tanung ko sa kanila.

            Sumagot naman si Mikoy ng tuloy ganun din ang girlfriend nitong si Suzy, C Betty at Nic-nic maging c Wendy ay uwi naman ang sagot habang si Tisoy at Angie ay kung sino maraming pabor dun sila.

             Hindi ko na tinanung si Pedring dahil halata namang gusto nya rin ituloy. Kami ni Arron ay napagkasunduan umuwi na.

            Dahil mas marami kami pumabor na umuwi. Napagkasunduang uuwi kami kinabukasan.

            " So majority wins bukas uuwi na tayo, pwede na kayong magpahinga." putol ko na sa usapan namin.

                 Eksakto namang may kumatok sa pinto at nang pagbuksan namin ay ang maaliwalas na mukha ni Aling Annalou ang nakita namin.

               " Naistorbo ko ba ang inyong pamamahinga? Aanyayahan ko sana kayo sa baba para maghapunan."

               " Naku maraming salamat po Aling Annalou, susunod na po kami." pasasalamat ko sa Ginang na tumango lang sa akin.

              " Maiwan ko na kayo at ihahanda ko na ung hapag-kainan s baba."

" BARYO MISTERYO "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon