Chapter XVII: 1.5

78 0 0
                                    

ARRON POV

           " At pinatay nyo pong mga taga baryo sila Esmeralda at ang anak nito..dahil sa utos?" dugtong na nila Tisoy dahil naaatat na silang malaman ang lahat.

           " Oo yung ibang taga baryong minsan tinulungan pa ni Esmeralda ang mga sumang- ayon na patayin sya " sagot ni Mang Marlon na dinugtungan nya pa nang " Ang mha walang utang na loob na akala mo ay malilinis ang pagkatao., bulag sila sapagkat nabayaran sila ng pera nang isa rin pa lang magaling magbalat- kayong tulad nila." nakakuyumos ang mga kamao nito dahilsa pinipigilang galit.

             " Ano pong ibig nyong sabihin Mang Marlon? Sino yung magaling magbalat-kayo na tinutukoy nyo?" tanong ko ulit dahil may kulang pa sa kwento nila.

             " Napatay nila si Esmeralda na ang huling kataga ay sinusumpa kaming lahat na taga baryo nasa pagdanak ng dugo nya sa lupang sakop ng buong baryo na ito, lahat kami ay mamumuhay na isang halimaw na hayok sa laman. Na di namin nakasanayan sa aming pamumuhay. Huli na nang mlaman namin na si Esmeralda pala ang tunay na Asawa ng Don at ang taong nagpakalat ng tsismis  na kabit sya ay ang mayordoma ng Don na naiwan kasama nito."

            " Oh M Gee!!! grabeh sama ng mayordomang yun.. At grabeh din sama ng ginawa nyo, ang laking pagkakamali." napapailinh na wika ni Suzy.

            " Kaya nga gusto naming itama ang lahat.. May nakapagsabi  kasi samin na babalik daw si Esmeralda at sa pagkakataon na yun sana ay nagsisisi na kami sa aming kasalanan,mamuhay  pa rin daw kami ng normal."

               " Teka po bakit wala kayong nabanghit sa anak nya?," tanung ko ulit.

               " Dahil nung pinatay si Esmeralda wala naman ang batang si Angela..hindi na namin sya natagpuan." sagot ni Mang Marlon sa akin.

              " Hindi kaya si Angie yung bata?" hula ni tisoy na ikinalingon namin sa kanya.

             " Pinsan ko sya at kasama ko sya pagkabata kaya panung mangyayari sya yung bata...." sagot ni Suzy ngunit napahinto sa pagsasalita na parang may naalala.

              " Bakit nahinto ka sa pagsasalita babes?" tanung ni Mikoy.

             Habang kami naman ay nakatunghay lang kay suzy at naghihintay na maaari nitong idugtong sa sasabihin.

             " Naalala ko na! dumating si Angie sa bahay, nung 5 yrs.old ako.. nung time na yun alam ko 5 yrs.old na din sya, nagtaka nga sina Mommy at Daddy na may pamangkin pala sila kay Tita Isabel, hindi naman na nag-usisa pa sina Mom at Dad kay tita king panu sya nagka-anak, natuwa kasi silang dun na titira si Tiya Isabel sa amin na matagal nang nawalay  sa kanila..hindi kaya may posibilidad ngang ampon ni Tiya si Angie, may point ka din kasi tisoy eh." kwento ni suzy na pinagtagni-tagni namin ang mga pangyayari.

               Para kaming dinaanan ng anghel sa katahimikan, dahil lahat kami ay seryosong napapaisip maging ang mag-asawa at yung babaeng kasama nila ay tahimik lang sa pagmamasid sa amin.

              Hanggang marinig namin ang ungol ni Angie,na nangangahulugang nagkamalay na to.

" BARYO MISTERYO "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon