3

12 0 0
                                    

"Camille! Hey, Camille! Yohoo! Camille!"

Nakakairita.

"Nahabol din kita! Ang bilis mo namang maglakad, Camille."

Sobrang nakakairita.

Tiningnan lang ni Camille ang lalaki sa harap niya na hinihingal habang nakayuko at nakahawak sa magkabilang tuhod.

Nang makabawi na ito ng hininga ay nag-angat ito ng tingin at ngumiti ng malaki. Ngiti na para bang ang saya-saya nitong makita siya.

"Good morning, Camille."

Mas lalo lang lumaki ang ngiti nito.

Hindi ba nangangawit ang panga niya sa kakangiti ng ganyan?

"Huwag mo akong tawaging ganyan."

Nanlaki ang mata nito at manghang-manghang napatitig  sa kanya.

Naiirita lang siya lalo kaya naglakad ulit siya at iniwan ang lalaking nakatulala pa rin.

"Wait up, Camille!"

Tinitigan niya ito ng masama. Pero nginitian lang siya nito. Sinabayan pa siya sa paglalakad.

"I can't believe you finally talked to me after ignoring me for a month and a half." Tumawa ito.

Anong nakakatawa? Wala.

"Bakit ayaw mong tinatawag kita na Camille? Isn't that your name? Huh, Camille?"

Nagpatuloy siya sa paglalakad. Dapat pala hindi niya na ito kinausap.

"What should I call you then? Cam? Cams? Camsy? Mille? Mills? Milly?"

Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ang lalaki. Tumigil din ito sa paglalakad at ngumiti ng malapad.

"But I like calling you Camille though."

"Wala kang karapatan. Siya lang ang pwedeng tumawag sa akin ng ganyan. At hindi ikaw siya."

Tinalikuran niya ito at nagmamadaling naglakad palayo.

Hindi ikaw siya.

Forever Ba, 'Ka Mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon