15

9 0 0
                                    

"Jenny!"

Nilingon ni Jenny ang tumawag sa kanya. Naantala ang pagsubo niya ng mangga nang makita kung sinong ito.

Si baby angel!

Sinuri nito ang kinakain niya bago siya nginitian. Hindi siya makagalaw. Ganoon pa rin ang porma niya simula nang lingunin niya ito, nasa akto ng pagsubo ng mangga.

Tumawa ito at kinuha ang stick na may nakatusok na mangga at sinubo sa kanya. Natauhan siya kaya mabilis siyang ngumuya.

Nakakahiya waaaaa!

"Masarap? Palagi na lang kitang nakikitang kumakain ng mangga."

Ako? Palagi niyang nakikitang kumakain ng mangga? Palagi niya akong nakikita? Omo, hihimatayin 'ata ako.

"And you're alone."

Nawala ang ngiti nito. Parang may naalalang hindi maganda.

Alone? Ay, si Aaron.

Binukas niya ang bibig para sagutin ito pero kinawayan na siya nito at humakbang paalis.

"See you around, Jenny!"

Waaa. Paano niya nalaman ang pangalan ko?






Forever Ba, 'Ka Mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon