9

9 0 0
                                    

"Say my name again."

Tinaasan lang ng kilay ni Camille si Cedrick. Simula nang tawagin niya ito sa pangalan, palagi na siyang kinukulit na ulitin ulit iyong nangyari noong isang araw. Gusto nitong paulit-ulit niyang banggitin ang pangalan nito habang magkayakap sila.

Manyak.

Tumalikod siya para itago ang ngiti niya. Binuksan niya ang pinto ng bahay at nilingon ito para pauwiin na. Laking gulat niya na lang dahil paglingon niya, ilang pulgada na lang ang pagitan ng mga mukha nila.

"Please, baby."

Lumapit pa ito ng husto sa kanya. Hindi na siya makahinga ng maayos. Halos maduling na rin siya sa sobrang lapit nila sa isat-isa kaya mahigpit siyang pumikit.

Narinig niya ang pagsarado ng pinto kaya napadilat siya kaagad.

Nakayuko ito sa kanya at nakalapat ang magkabilang braso sa pinto. Dahil sa ginawa nito, magkadikit na ang tungki ng ilong nila, pati na rin ang kanilang katawan.

Nataranta siya kaya tinulak niya ito sa  dibdib pero hindi man lang ito natinag. Sinubukan niya rin itong sipain pero inipit lang nito ang mga hita niya sa pagitan ng mga hita nito kaya hindi siya makagalaw.

Napalunok siya. Binuksan niya ang mga labi para sawayin ito pero walang lumabas sa bibig niya kundi hangin. Hinihingal siya na parang may humahabol sa kanya. Ganoon din ito, hinihingal. Bahagyang nakabukas ang bibig at titig na titig sa kanyang mga labi.

Galaw, Camille!

Narinig yata ng katawan niya ang sigaw niya sa utak kaya naangat niya ang kanang kamay niya. Inilapat niya ang palad sa mukha nito at itinulak palayo sa kanya. Pagkatapos ay pinitik niya ito sa noo ng malakas.

"Gusto mong masaktan?"

Tumawa lang ito ng malakas. Inabot nito ang kanang kamay niya at hinalikan isa-isa ang kanyang mga daliri.

Muntik na 'yon, ah!












Forever Ba, 'Ka Mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon