30

2 0 0
                                    

"Why are you being so clingy?" Tinaasan si Jude ng kilay ni Angelica habang pinipilit nitong tanggalin ang pagkakahawak niya sa kanang kamay nito.

Tinawanan niya lang ito at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa kamay nito habang hirap na hirap itong pulutin ang mga litratong nakakalat sa damuhan gamit lang ang kaliwa nitong kamay.

"Ah, pictures ko pala 'yong tinatago mo?"

Tumawa siya lalo at pumulot din ng iilang litrato habang magkahawak pa rin sila ng kamay.

Tangina. Ang clingy ko nga.

Kumunot ang noo niya nang makita na ng mabuti ang mga litrato. Magkamukha nga sila ng kakambal niya pero alam niyang hindi siya ang nasa mga litrato. 

"Ano 'to?"

"Ahm. Pictures? Duh."

Hinigit niya na ito paharap sa kanya para ipakita dito ang mga hawak na litrato.

"Hindi ako 'to!" Nalukot ng kaunti ang mga litrato dahil sa higpit ng pagkakahawak niya.

Tumaas lang lalo ang kilay nito.

"Akala ko ba ako 'yong gusto mo? Eh, bakit si June 'to? Sabi na nga ba. Ginagawa mo lang talaga akong panakip-butas, 'no!? Dahil ba alam mo ng mahal-"

Naputol ang iba pa niya sasabihin nang inagaw nito ang ibang hawak niya.

"Ikaw 'to." Tumawa pa ito.

Sinamaan niya lang ito ng tingin.

"Hindi ako tanga."

"Sinabi mo kaya kanina na tanga ka."

Sinamaan niya lang ulit ito ng tingin. Tumawa lang ulit ito at tumabi sa kanya.

"Look here." May itinuro ito sa litrato. Pero sa harapan na siya nito nakatingin. Paano ba naman, nak-sleeveless lang ito at kita ng kaunti ang cleavage.

Napansin siguro nito ang pananahimik niya kaya nilingon siya nito at nahuli siya kung saan nakatingi."

"Pervert." Nakataas lang ng bahagya ang gilid ng kaliwang bibig nito.

Inilipat niya lang ang tingin niya sa mapuputi at makikinis na mga hita nito. Nakamaikling maong na palda lang kasi ito. Napabuntong-hininga na lang siya. 

Buti na lang kami lang tao dito. Walang ibang nakakakita sa pang-aakit niya sa'kin.

Inilagay nito ang hintuturo sa baba niya at dahan-dahang itinaas para magtagpo ang mga mata nila.

"My eyes are up here."

Binitawan niya ang kamay nito. Inilagay niya ang dalawang kamay niya sa magkabilang tagiliran nito at dahang-dahang ibinuka para sakupin ang tiyan at likod nito. Hindi ito mahirap gawin sa sobrang liit ng bewang nito.

Umangat na kaunti ang sleeveless blouse nito kaya nagawa niyang haplusin ang balat nito sa tiyan gamit ang hinlalaki niya. Tinaasan lang siya ng kilay nito pero nakita niya ang paghinga nito ng malalim. 

"Bakit may mga pictures ka ni June?" Napatiim-labi siya. 

"Well, I can't help it. You're always together. Kaya nga akala mo siya 'yong inii-stalk ko n'ong high school, right?"

Binalingan niya muna ang mga litrato sa damuhan bago ito nilingon ulit. 

"Wala naman akong matinong kuha, ah. Puro blurred lang 'yong mukha ko, o." Nilingon niya ulit ang mga litrato at sumimangot.

"I liked you so much that I wasn't able to take a photo of you na maayos. Nakakakaba kayang i-stalk ang crush! As if you don't know, eh crush mo si Jenny!"

Naghalukipkip pa ito habang nakapulupot pa rin ang dalawa niya kamay dito. Umangat lang ang gilid ng labi niya.

"Hindi mahirap magustuhan si Jenny. Sobrang nakakatawa at mabait kasi 'yon."

Ipinaling lang nito ang mukha sa gilid. Iniwasan ang nanunuya niya tingin.

"Cute. Masipag. Tapos masaya kasama."

"Right."

"Lagi pang nakangiti, 'di marunong magtaray sa'kin."

"Enough, already!"

Hinarap siya nito at inihilig ang bigat sa mga kamay niya. Matutumba ito kung bigla niya na lang itong bibitawan. Ang mga kamay na lang kasi niya ang sumusuporta sa buong bigat nito habang mataray ito na nakatingin sa kanya.

"Pero 'di ko siya hinabol-habol."

Tumaas ang kilay nito. Ulit.

"'Di ko sinunod lahat ng gusto niya. 'Di ko pinagselosan lahat ng lalaking nakapaligid sa kanya. 'Di ko siya binakuran. 'Di ako nakipag-away sa mga lalaking tumitingin sa kanya. 'Di ko siya palihim na sinundan para lang malaman kung sino siya. 'Di ako pumayag na maging rebound niya, makasama lang siya. At higit sa lahat, 'di ko siya inagaw kay June. Pinaubaya ko lang siya kay June nang 'di lumalaban. At okay lang sa'kin 'yon. Pero ikaw... 'Di kita kayang ipaubaya kay June. O sa ibang lalaki. Kasi... Kasi gusto ko, akin ka lang."









Forever Ba, 'Ka Mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon