"Ang gwapo. Waaaa."
Hinampas-hampas ni Jenny si Aaron.
"Grabe! Ang gwapo niya talaga. Alam mo bang soccer player 'yon? Ang gwapo niya pala talaga sa malapitan!"
Hinampas niya ulit ito. Napalakas yata masyado dahil muntik na itong sumubsob sa counter.
"Aray! Ano ba? Kanina ka pa paulit-ulit. 'Tapos, nananakit ka pa!"
Hinampas niya lang ulit ito. Mas nilakasan niya pa. Inirapan siya nito bilang ganti. Tumawa lang siya ng malakas.
"Pikon!"
Magkakilala na sila simula pa lang grade school kaya komportable na siyang asarin ito.
"Huwag kang lalapit d'on, ah!"
"Kanino? Kay Simon?"
"May dalawang piso po kayo?"
Waaa. Paubos na barya kong panukli.
"Wala!"
Meron. Tamad ka lang maghanap. At ang sungit mo pa. Tsk tsk.
Sinuklian niya ang customer na lalaking masungit nang hindi man lang ito tinitingnan. Pagkatapos ay nilingon si Aaron na ngayon ay nakatingin sa malayo. Parang ang lalim ng iniisip.
"Hoy."
Tumingin ito sa kanya. Seryoso ang mukha nito.
"Hindi mo siya pwedeng maging crush. Hindi pwede."

BINABASA MO ANG
Forever Ba, 'Ka Mo?
AcakPara sa mga naniwala na, kasalukuyang naniniwala at maniniwala pa lang. Cheers. Para sa pagbabago!