23

4 0 0
                                    

"Bakit sa tingin mo nasasaktan ako?"

Tinaasan lang nito si Jude ng kilay pagkatapos niyang magtanong at maingat na sumubo ng pagkain.

"I don't think you're hurting."

Tiningnan niya ito sa mata at nilunok ang pagkaing nginunguya.

"Kung saan-saang buffet mo 'ko dinadala simula pa kaninang umaga kasi sabi mo puso ko lang dapat masaktan, hindi tiyan, 'di ba?"

Pero mukhang malabong 'di sasakit ang tiyan ko sa sobrang dami ng nakain namin. Saan ba napupunta mga kinakain ng babaeng 'to? Ang lakas nga kumain ang payat-payat naman.

Gabi na kasi pero kumakain pa rin sila. Pagkatapos siya nitong makumbinsing magpalipat-lipat ng bar at maglasing buong magdamag noong isang buwan, bigla na lang itong nagparamdam at kinumbinsi siyang magpakalunod naman sa pagkain ngayon.

Pa'no niya ba kasi ako napasama? 'Tanginang mga mata kasi 'yan, eh.

"I don't think you're hurting. I know that you are hurting."

Tinitigan siya nito. Parang sinasabi ng mga mata nitong siguradong-sigurado itong nasasaktan nga siya. At tama ito.

Pinilit niyang ialis ang pagkakatitig niya dito. Sa liit ng mga mata nito, ang laki naman ng epekto ng mga ito sa kanya.

"Paano?"

Dinampot niya ang baso at uminom doon habang pinipilit pa rin ang sarili na huwag itong titigan sa mga mata. O sa mga hita na kitang-kita sa maiksi nitong shorts. O sa batok, leeg at sa kaliwang balikat nitong nakalitaw dahil sa nakalihis na damit.

Maluwang nga, see-through naman.

Hindi niya na rin mabilang kung ilang lalaki na ang sinamaan niya ng tingin dahil sa suot nito.

Dahan-dahan nitong ibinaba ang hawak na tinidor sa plato at ipinaling ang mukha niya paharap dito kaya kitang-kita niya ang lungkot sa mga mata nito.

"Because I am hurting too."

Forever Ba, 'Ka Mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon