16

13 0 0
                                    

"Waaaa! Grabe talaga 'yong kaba ko. Sobra. Hindi man lang ako nakapagsalita."

Tumawa ng malakas si Jenny.

Kilig!

"Palagi daw niya akong nakikitang kumakain ng mangga. Ibig sabihin, palagi niya akong tinitingnan. Waaa!"

Hinampas niya si Aaron. Nakatiim bagang lang ito. Hindi umiimik.

Bad trip yata. Bakit kaya?

"Maingay ka kasi kaya napapatingin sa'yo palagi."

Nilingon niya ang lalaking customer na naka-black t-shirt at black pants.

Saan ang lamay?

Seryoso itong nakatingin sa kanya.

Ang epal naman nito. Mukha namang sanggano.

Sinuklian niya ito at mabilis na tinalikuran. Pagkatapos ay kinalabit si Aaron.

Sungit!

"'Oy!"

"Ano!"

Waaa. Sungit!

"Tapos tinawag pa ako ni baby angel sa pangalan ko , omo!"

Nakakunot ang noong nilingon siya nito.

"'Wag mo nga siyang tatawaging ganyan!"

Ngumuso siya.

"Bakit naman?"

"Basta!"

Ang susungit ng mga tao ngayon.

Forever Ba, 'Ka Mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon