"Dapat lagi ka na lang naka-t-shirt. Bagay sa'yo."
Hindi mapigilang magkomento ni Jude sa suot ng babaeng walang arteng namumulot ng basura. Naka-maluwang na organization t-shirt lang kasi ito. Hindi niya alam kung paano nito nagagawang magmukhang elegante pa rin kahit may dala-dalang sirang tsinelas.
"Magpantalon ka na lang din sa susunod." Para'di ko na kailangang mapaaway pa sa mga lalaking naaakit mo. Pero nakakaakit ka pa rin kahit na 'di ka nagpapakita ng balat.
Sinamaan niya muna ng tingin ang mga lalaking sumusulyap-sulyap bago ibinalik ang tingin dito.
Tabunan na lang kaya kita ng kumot?
Hindi niya rin alam kung paano nito nagagawang magmukhang kaakit-akit kahit nakasuot lang ito ng t-shirt at shorts.
Lumapit lang ito sa kanya at itinapon sa dala niyang basurahan ang sirang tsinelas at hinubad ang suot na gloves nang hindi siya pinapansin. Nagpagpag ito ng mga kamay at sinikop ang buhok para ayusin ang pagkaka-bun.
"Bakit mo naman naisipang sumama sa ganitong org.?"
Hindi niya mapigilang magtanong. Hindi lang dahil gusto niyang pansinin siya nito, kundi dahil interesado talaga siyang malaman. Gusto niyang malaman lahat-lahat ng tungkol dito.
Sa wakas ay tiningnan na rin siya nito pagkatapos ayusin ang buhok.
"There are far more important things than mending your broken heart, like saving the earth for example."
"Sino ka ba talaga?"
Tinaasan na naman siya nito ng kilay. Hindi niya mapigilan ang ngumiti. Inasahan niya nang gagawin nito iyon. Saulo niya na ang mga galaw nito.
Naghalukipkip ito. At mas lumapad ang ngiti niya.
"Why do you wanna know? Are you interested in me now?"
Tiningnan niya lang ito at ngumiti pa lalo. Ang ganda niya pa rin kahit nagtataray. Inaakit na naman ako.
Sumimangot ito at tinalikuran siya.
"Don't smile. You're making me forget my plans." Bulong nito bago mabilis na naglakad palayo sa kanya.
BINABASA MO ANG
Forever Ba, 'Ka Mo?
AcakPara sa mga naniwala na, kasalukuyang naniniwala at maniniwala pa lang. Cheers. Para sa pagbabago!