"Tawagan mo ako mamaya kapag uuwi ka na."
Nilunok muna ni Jenny ang nginunguyang mangga bago sinagot si Aaron nang hindi ito nililingon.
"Bakit?"
"Ihahatid kita pauwi."
"Bakit?"
Ano kayang masarap kainin mamaya?
"Basta!"
Nilingon niya ito. Nag-iwas ito ng tingin.
"Wala kang pasok?"
"Meron. Pero ihahatid muna kita pauwi."
Ikinawit niya ang braso sa braso nito.
"Awww. Ang sweet."
Kiniliti niya ito sa tagiliran. Panay naman ang iwas nito habang tumatawa ng malakas. Sinubukan din siyang kilitiin nito. Nagulat siya kaya nalaglag niya ang dala-dalang mangga.
Humakbang siya paatras para iwasan ang mga kamay nito pero naapakan niya ang nalaglag na mangga kaya ay nawalan siya ng balanse.
Waaaaa! Babagsak ako!
Ipinikit niya ang mga mata para ihanda ang sarili sa pagbagsak. Pero sa halip na maramdaman ang pagtama ng pang-upo niya sa semento, naramdaman niya na may pumulupot na mga braso sa kanyang bewang. May sumalo na tao sa kanya mula sa likuran.
"Are you okay?"
Lalaki! Ang ganda ng boses. Omo.
"Miss?"
Ang bango!
Idinilat niya ang mga mata at hinarap ito. Hindi pa rin nito pinapakawalan ang bewang niya.
Waaa. Namatay yata ako kanina sa pagkakabagsak ko. Bumaba siguro 'tong anghel na 'to galing langit para sunduin ako.
Nakanganga lang siyang tumitig sa lalaki sa harap niya. Ngumiti ito bago siya unti-unting binitawan.
Nasa langit na talaga ako ngayon for sure. I just died. Killer smile. Omo!
![](https://img.wattpad.com/cover/67151260-288-k33679.jpg)
BINABASA MO ANG
Forever Ba, 'Ka Mo?
RandomPara sa mga naniwala na, kasalukuyang naniniwala at maniniwala pa lang. Cheers. Para sa pagbabago!