"What an idiot."
Nilingon ni Jude si Angelica. Kumunot ang noo niya hindi lang dahil sa tinawag siya nitong "idiot", kundi dahil aliw na aliw din itong tumatawa.
"Masaya ka ba talaga kasi nagmumukha akong tanga dahil sa'yo?"
"No. It's just that, you are really stupid. And haha really stupi-"
Natigilan ito sa pagdampot ng mga nilapag sa damuhan na dala-dala kanina nang dumating siya. Niyapos niya kasi ito galing sa likod habang nakayuko itong dumadampot. Sinilip niya kung anong pinagkakaabalahan nito pero pilit nitong tinatago ang mga iyon. Dumapa pa ito sa damuhan para lang itago ang mga ito.
"No!"
Pilit niya namang dinudukot ang mga ito sa ilalim ng tiyan at dibdib nito kaya hinampas-hampas na ni Angelica ang mga kamay niyang pinipilit niyang isiksik.
"Patingin!"
Itinukod ni Jude ang kaliwang palad sa damuhan katabi ng ulo nito. Pagkatapos ay isinuksok niya ang kanang kamay sa tiyan nito hanggang sa nahahapit na ng kaliwang braso niya ang bewang nito. Iaangat niya na sana ito sa damuhan gamit ang kanang braso nang bigla itong tumihaya at humarap sa kanya. Napapikit pa siya nang umuntog ang ulo nito sa noo niya.
"Aw!"
Dumilat siya nang maramdamang tumigil ito sa pagpalag. Nakatitig lang ang singkit nitong mga mata sa kanya.
Hinapit niyang maige ang braso niya sa bewang nito at biglang inangat ang katawan nito mula sa damuhan at idinikit sa katawan niya. Pinagdikit niya rin ang mga ilong nila.
"Stop seducing me. Stop ruining my plans."
Kumunot lang ang noo niya sa sinabi nito.
Anong plano?
Hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin nitong sinisira niya ang plano nito. Kung ang plano nito ay gawin siyang rebound, hindi ba umamin na siya na mahal niya ito? Kahit masakit, pipiliin niya na lang magpanggap na wala siyang alam basta na sa tabi niya lang ito.
"Kailangan pa ba talagang sabihin ko sa'yong okay lang sa'kin maging rebound mo?" Napatiim-bagang siya sa sinabi.
"No. It's the other way around. Ayokong maging rebound mo!"
Inilayo niya ng bahagya ang mukha niya sa mukha nito para matitigan itong mabuti.
Ano?
"I did everything just to forget you. Nag-abroad ako para iwasan ka kasi 'pag nasa Philippines lang ako, siguradong ma-ii-stalk lang kita everyday. Pero it was't effective. Na-miss lang kita lalo kaya bumalik din ako."
Ipinaling nito ang mukha sa kaliwa para iwasan ang mga titig niya. Hindi niya alam kung anong mararamdaman sa mga sinabi nito. Naguguluhan siya.
"Kaya I've decided to just be near you na lang. Baka maka-move on ako 'pag na-realize ko na you're still not over Jenny and that you're still hoping na magiging kayo kahit sila na ng kambal mo. Kailangan ko lang mag-break ng one month kasi parang 'di naman effective because it seems like I fall for you harder and harder every time.
"But kahapon, no'ng nakita kitang tinitingnan sila... Si Jenny. 'Di ko pala kaya. Kaya susunugin ko na lang lahat ng memories na meron ako sa'yo. From high school up to now."
Unti-unting tumataas ang magkabilang gilid ng labi niya. Hanggang sa sa sobrang lawak ng ngiti niya, kita na siguro lahat ng ngipin niya.
Dahan-dahang nilingon siya nito. Para bang natatakot sa magiging reaksyon niya. Tumaas ang kilay nito nang makita ang ngisi niya.
Magtataray na naman 'to. Aakitin na naman ako.
Hindi niya na mapigilan ang tumawa ng malakas. Tiningnan siya nito na parang hindi makapaniwala sa pagtawa niya.
"What's so funny about my confession!? I love you but I don't want to be a rebound!"
Nagsimula na naman itong pumalag sa kanya. Gustong kumawala sa pagkakahapit niya.
Hinding-hindi kita bibitawan.
Nagpatuloy lang siya sa pagtawa.
"Maybe I'm an idiot na din. For falling for someone like you!"
"Siguro nga. Ang tanga-tanga natin parehas."
Sinubukan siya nitong itulak palayo pero hinigpitan niya lang ang paghapit sa bewang nito.
Wala ka nang kawala sa'kin ngayon.
BINABASA MO ANG
Forever Ba, 'Ka Mo?
DiversosPara sa mga naniwala na, kasalukuyang naniniwala at maniniwala pa lang. Cheers. Para sa pagbabago!