17

13 0 0
                                    

"Umuwi ka na nga."

Tinulak-tulak ni Jenny si Aaron. Tinawanan lang siya nito. Kanina pa siya nito kinukulit. Ayaw umalis.

Ang saya niya today, ah.

Ilang linggo rin itong tumigil sa paghatid at pagsundo sa kanya. At ilang linggo niya na ring nakakausap si baby angel.

Kilig!

Hindi na nga lang siya nagku-kwento kasi mukhang nawawala lang ito sa mood. At hindi niya alam kung bakit.

"Hey, Jenny!"

Kinawayan niya si Simon.

Ang gwapo talaga.

Nilingon niya si Aaron. Seryoso nitong tinitingnan si Simon. Ganoon din si Simon dito.

Ang intense naman magtitigan ng mga 'to.

"Aaron, si Simon. Simon, si Aaron."

Sabay siyang nilingon ng dalawa. Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa mga ito.

Sabay ding nag-iwas ang dalawa ng tingin. Pagkatapos ay naglahad ng kamay si Simon. Nakatiim bagang ito.

"Pre."

Tinanggap naman ito ni Aaron. Nakatiim bagang din.

"Pre."

Ang intense, omo!

Forever Ba, 'Ka Mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon