"Bitiw."
Pilit na binabawi ni Camille ang kamay niya mula sa pagkakahawak pero hindi siya makawala. Namamawis na ang kamay niya.
Dalawang linggo na ang nakakalipas simula nang maghawak sila ng kamay. At wala itong pinapalampas na pagkakataon, mahawakan lang siya.
"Ced! Where have you been, bro? 'Di ka na nagpakita."
Parehas nilang nilingon ang taong biglang nagsalita.
Sumulyap ang lalaki sa kanya. Pagkatapos ay tumitig ito sa magkahawak nilang kamay. Namamanghang nag-angat ito ng tingin at ngumisi ng malaki.
"Congrats, bro!"
Tumaas ang kilay niya.
Congrats saan?
"Thanks, man. Sorry but we have to go. I'll see you around."
"Alright then."
Humarap ang lalaki sa akin at kinindatan ako.
"Goodbye, gorgeous."
"Paul!"
Tumatawang kumaway ang lalaki bago umalis.
"Bitiw."
Sinubukan ulit niyang bawiin ang kamay niya pero itinaas lamang nito ang magkahawak nilang kamay sa bibig ito at hinalikan ng marahan.
Natigilan siya sa ginawa nito. Nakapikit ang mga mata nito habang nakangiti. Dumilat ito at hinila siya palapit dito. Pinaikot nito ang isang braso sa bewang niya. Hawak pa rin nito ang kamay niya na nakatapat sa mga labi nito.
"Say my name first."
Kinilabutan siya. Nagtindigan ang mga balahibo niya sa bulong nito. Ramdam din niya ang init ng hininga nito sa kanyang kamay.
"Say my name, baby."
Titig na titig ito sa mga mata niya. Para bang sinusubukang basahin ang laman ng utak niya. Hindi siya makaiwas ng tingin. Nahihipnotismo. Nanghihina.
"Do you even know my name?"
Tumawa ito ng mahina. Nakatawa nga ito, pero malungkot ang mga mata. Nag-was ito ng tingin. Bumigat ang dibdib niya.
Naramdaman niyang paunti-unti siya nitong pinapakawalan. Binitiwan na nito ang kamay niyang hawak nito kanina. Pero bakit parang ayaw niya? Bakit parang ayaw niyang bumitiw ito sa pagkakayakap sa kanya?
Inilapat niya ang magkabilang palad sa dibdib nito.
Huwag kang bumitaw. Huwag. Dito ka lang.
"Cedrick."
Nakita niya ang pagtaas-baba ng adam's apple nito. Narinig niya ang pagsinghap nito. Naramdaman niya ang paglakas ng tibok ng puso nito.
Nagagawa ko 'to sa kanya?
Tumawa ulit ito ng mahina kung kaya ay tiningala niya ito. Hindi katulad kanina, bakas na sa mukha nito ang saya. Nawala ang lungkot sa mga mata nito. Nawala rin ang bigat ng dibdib niya.
"Please, say that again. Please, baby."
Sinubsob niya ang mukha sa dibdib nito at nilanghap ang bangong nanggagaling doon.
"Cedrick."
![](https://img.wattpad.com/cover/67151260-288-k33679.jpg)
BINABASA MO ANG
Forever Ba, 'Ka Mo?
AcakPara sa mga naniwala na, kasalukuyang naniniwala at maniniwala pa lang. Cheers. Para sa pagbabago!