Bakit hindi ako mapakali?
Narinig ni Camille na may pumasok sa pinto at kaagad siyang lumingon para tingnan ito. Hindi niya alam kung bakit.
Anong nangyayari sa akin?
Nadismaya siya sa nakita. Ibinalik niya ang tingin sa cup ramen.
"Pwedeng maki-share ng table?"
Nilingon niya ang lalaking nagsalita at tinanguan ito. Inusog niya ng bahagya ang mga gamit sa lamesa.
"Baby!"
Ipinilig niya ang kanyang ulo nang marinig ang pamilyar na boses.
Nag-ha-hallucinate naman ako ngayon!
"I was only gone for a week and now you're eating ramen with someone else?"
Sabay silang napalingon ng lalaking ka-share niya ng table. Lumakas ang tibok ng puso niya.
Seryoso, anong nangyayari sa'kin?
"Tiniis kong huwag magpakita for a while kahit miss na miss na kita para ma-miss mo man lang ako just a little. Just a little! Mabaliw-baliw ako kakaisip sa'yo. And now, may kasama kaagad na iba? Baby, naman!"
Tinaasan niya ito ng kilay.
Baby?
"Pre, naki-share lang ako ng table. Tapos na rin ako."
Walang pumansin sa lalaki. Tumayo na rin ito at naglakad na paalis.
"Baby?"
"What? I can't call you by your name, can I? Not yet, anyway. So baby should be fine for now."
"Hindi mo ako anak para tawaging baby."
"Hindi nga."
Seryoso pa rin ang mukha nito. Hindi siya sanay na hindi ito nakangiti.
"Nanay pwede pa."
Tinaasan niya ulit ito ng kilay. Unti-unting gumuhit ang ngiti sa mga labi nito. At unti-unti ring may kung anong pwersang pumipigil sa kanyang huminga ng maayos.
"Nanay ng magiging anak natin."
Ibinalik niya ang tingin sa ramen para itago ang ngiti niya.
Baduy.

BINABASA MO ANG
Forever Ba, 'Ka Mo?
DiversosPara sa mga naniwala na, kasalukuyang naniniwala at maniniwala pa lang. Cheers. Para sa pagbabago!