12

6 0 0
                                    

"Camille, baby? Baby Camille! Baby! Camille!"

"Cedrick, tumahimik ka nga. Ang ingay mo."

"You can't blame me. I just love saying your name. And  I love you."

"Awww. Nakakainggit naman! Kailan ko kaya mahahanap ang forever?"

Bumuntong hininga si Jenny habang nakapangalumbaba sa counter. Pinapanood niya ang lalaking customer na sinusubukang subuan ng ramen ang girlfriend nito na panay naman ang iwas.

Regular customers na ang mga ito kaya palagi niyang nakikitang naglalambingan.

"Ang swerte ni girl. Waaaa!"

"Huwag ka na kasing maghanap. Malay mo nasa tabi mo na pala, 'di mo man lang napapansin."

Nilingon niya si Aaron. Tapos na ang shift nito pero hindi pa rin ito umaalis. Palagi itong ganoon, nagpapalipas muna ng isa o dalawang oras para samahan siya.

Awww. Ang sweet ni best friend!

"Sino naman? Si manong guard?"

Tumawa siya ng malakas. Sumimangot naman ito.

"Ewan ko sa'yo."

"Miss, pwede mamaya ka na makipagdaldalan? Nagmamadali ako."

Sungit!

Mabilis niyang inasikaso ang pinamili ng customer na lalaki nang hindi ito sinusulyapan.

Naku-naku! Kung 'di ko lang talaga kailangan ng part time job. Si prince charming naman kasi, ang tagal dumating! Na-traffic na yata. Omo!

Forever Ba, 'Ka Mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon