25

4 0 0
                                    

"Ginagawa mo ba 'kong rebound?" Tanong ni  Jude sa babaeng hanggang nayon ay hindi niya pa rin alam ang pangalan. Ilang buwan na rin siya nitong dinadala sa kung saan-saan. 

Tinawanan lang siya nito. "Maybe."

"Tumatawa ka na rin palagi, nakamove-on ka na ba?" 

Naghalukipkip itong humarap sa kanya. Nakataas ang kilay pero nakangiti na para bang aliw na aliw sa kanya.

Hindi niya maiwasang hindi mapatingin sa harapan nito. Napasimangot siya sa suot nito. Naka-pulang two piece ito. Dahil sa sobrang puti, lutang na lutang ang kulay nito dahil sa suot. Paniguradong pagtitinginan na naman ito ng lahat lalo na ng mga lalaki. 

Napakuyom ang mga palad niya sa naisip. Parang gusto niyang manuntok.

"At bakit ba gustong-gusto mong magsuot ng mga ganyang damit? 'Yong kita na kaluluwa mo. Gusto mo bang akitin lahat ng taong nakapaligid sa'yo!?"

Hindi niya mapigilang pagtaasan ito ng boses lalo na't mukhang mas lalo pang lumaki ang ngiti nito.

"Bakit? Naaakit ka ba sa'kin?" 

Tumiim lang ang bibig niya sa sinabi nito. Lumapit ito sa kanya.

"Or maybe, ako talaga 'yong ginagawa mong rebound?"

Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Nakangiti pa rin ito pero malungkot ang mga mata. Bakit parang ayaw niya na malungkot ito? Humakbang siya palapit pero hindi niya alam kung bakit.

Tinalikuran siya nito at nag-unat. Bumuntong hininga rin ito ng malalim. Ipinaling nito ang ulo para lingunin siya nang hindi humaharap ang buong katawan nito sa kanya. Malapad na ang ngiti nito. 

"There are a lot of things far more beautiful than what you feel for her. Look!"

Inalis nito ang pagkakatingin sa kanya at hinarap ang dagat. 

"Beautiful, isn't it?"

Humakbang siya para tabihan ito. Nanatiling nakangiti lang ito habang pinagmamasdan ang dagat. Sinubukan niya ring pagmasdan ang dagat pero bumabalik pa rin ang mga titig niya sa katabi niya.

Anong nangyayari sa'kin?

"Maganda nga talaga. Nakakaakit."







Forever Ba, 'Ka Mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon