"Want to drown your sorrows with booze with me?"
Pinagpatuloy lang ni Jude ang paglalakad na parang walang narinig.
"Come on! My treat."
Sinabayan siya nito sa paglalakad.
"I'll make sure you'll have a lot of fun tonight."
Itinukod nito sa pader ang paa na nakasuot ng pulang sapatos na sa sobrang taas ng takong, 'di niya alam kung paano nito nasabayan ang hakbang niya, para lang harangan siya.
"What do you think?"
Napadako ang tingin niya sa maputi at makinis nitong binti papunta sa hita nito na kitang-kita dahil sa slit sa gilid ng palda nitong abot hanggang sakong. Pwede niya ng makita ang lahat kung gugustuhin niya.
Nagpalda nga ng mahaba, ang haba rin naman ng slit.
"'Like what you see."
Itinaas nito ang isang kamay para suklayin ang hanggang batok na buhok. Dahilan kung bakit tumaas ang damit nito kaya lumipat ang tingin niya sa makinis at maputi nitong tiyan.
"I don't even know what to feel about you not being able to look at my eyes."
Ibinaba nito ang paa mula sa pagkakatukod sa pader at nakahalukipkip na tumayo sa harap niya.
"Great booze may not heal your broken heart. Sure, alcohol can't make you forget about your pain."
Tiningnan niya ito sa mga mata. Sa mga chinitang matang hindi niya mapigilang huwag tingnan.
"It doesn't make us forget. It just makes us feel good while still hurting."
'Makes sense.

BINABASA MO ANG
Forever Ba, 'Ka Mo?
AcakPara sa mga naniwala na, kasalukuyang naniniwala at maniniwala pa lang. Cheers. Para sa pagbabago!