27

3 0 0
                                    

Sinundan ni Jude ang babaeng ilang buwan na ring nagpapagulo sa isip niya.

"Saan na naman ba tayo pupunta?"

Nagpatuloy lang ito sa paglalakad. Sumasayaw ang laylayan ng suot nitong mahabang bestida. hanggang sakong ang haba nito, walang slit. Long sleeves din sana kaso kita buong likod. At higit sa lahat, see through ang telang ginamit sa taas. Kitang-kita ang suot nitong itim na bra. Napahugot na lang siya ng buntong hininga.

"Gusto mo ba talagang mapaaway ako?"

Tumigil ito sa paglalakad. Nilingon siya at pinagtaasan ng kilay.

"Stop that."

"Ang alin?"

"Stop ruining my plans!" Humalukipkip pa ito. Parang badtrip na badtrip.

"Anong plano?"

Inalis nito ang pagkakahalukipkip. "Nothing."

"Let's go." Tumalikod na ito at naglakad papunta sa isang convenience store.

Ano na naman bang gagawin namin dito?

"Good morning po! Welcome!"

Napatingin ako sa cashier na masayang bumati pagpasok namin. 

"Omo! Jude!June, o. 'Yong kambal mo!"

"'Wag ka ngang hyper d'yan. Ipasubo ko 'ton--aray! Nanghahampas ka na naman."

"Waaaa. Bastos ka talaga. Bakit ba kasi gustong-gusto mong ipasubo 'yong lollipop mo sa'kin!?Omo."

Dahan-dahan kong nilingon ang katabi ko. nahuli ko pa siyang mabilis na nag-iwas ng tingin sa'kin at matamang tinitigan ang kambal ko.

"Ito ba ang plano mo? Ang gawin akong panakip-butas sa kambal ko?"

Mabilis na napalingon ito sa kanya. 

"What?" Pabulong na utas niya.

Napatiim-bagang ako. 

"Hindi ako tanga, Angelica."









Forever Ba, 'Ka Mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon