31

3 0 0
                                    

"What are you doing!?" 

"Ayoko lang may ibang nakakakita sa mga pag-aari ko."

"So, you want to cover me up with a- what's this!? A blanket?! "

"Eh, kung 'di mo sinusuot 'tong mga damit mong kita na 'yong kaluluwa mo? 'Wag ka na lang kaya lumabas ng bahay?"

Pinagtaasan lang ng babaeng naka-bestida na hapit na hapit sa katawan. At sa sobrang ikli ng palda, kaunting galaw lang, pwede mo na mabosohan.

Napailing na lang siya habang patuloy na tinatakpan ng lalaki ang babae ng dala nitong kumot.

Kung siya ang boyfriend nito, baka nga 'di niya na ito palabasin ng bahay. Sa sobrang ganda kasi nito, maraming lalaki ang napapatunganga. Pati nga mga babae, napapatingin na rin dito.

"P're!"

Nilingon niya ang tumawag.

"'Oy, p're."

Nakipag-manly shake hands pa siya rito.

Baduy naman nito.

"May game mamaya, sama ka?"

"'Naman!" Nakipag-high five pa siya rito.

"Alright! 'Maya, ah." Kumaway na ito sa kanya habang nakatalikod.

Nilingon niya naman ang lalaki at babaeng malagkit nang nagtititigan. Naka-balot na sa buong katawan ng babae ang kumot. Mata na lang ang nakalabas.

"Kahit mata mo na lang ang nakikita, nakakaakit ka pa rin. Tsk." Pagkatapos ay tinakpan na nito pati ang mga mata ng babae gamit ang mga labi nito. Napapikit ang babae dahil sa banayad na pagdampi ng mga halik ng lalaki.

Iniwas niya ang tingin. 

PDA naman masyado.

Naglakad na siya palabas ng convenience store habang napapa-iling.

Wala pa sa isip niya ang mga ganoong bagay hindi katulad ng mga kabarkada niyang puro pamba-babae ang nasa isip. 

Minsan pa nga inaasar pa siyang "bading" ng mga ito.

Istorbo lang ang mga ito sa pag-aaral. Mas gusto niya pang mag-basket ball na lang.





Forever Ba, 'Ka Mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon