19

21 0 2
                                    

"Hindi pa nga pwede!"

"Bakit? It's been months!"

Waaa. May nag-aaway pa yata.

Naka-headset na siya pero rinig na rinig niya pa rin ang pagsisigawan ng mga ito.

Ang tagal naman ni Aaron. Saan kaya si baby angel?

"Hindi pa siya handa."

"Siya ba talaga, o ikaw ang hindi handa?"

Napaaga 'ata ako ng punta sa kitaan namin. Omo. Nakaka-istorbo  pa tuloy ako.

"Ano?"

"Totoo naman, 'di ba?"

"Kinakahiya mo ako. Kinakahiya mo tayo!"

Waaa, LQ!

"Hindi gan'on 'yon! Mahal kita!"

"Talaga? Mahal mo ba talaga ako? Bakit mo ako tinatago?"

Sorry, guys. Wala akong load, eh. 'Di ko sila maitext. Mag-away lang kayo diyan sa sulok. Waaa.

"Mahal kita Simon, alam mo 'yan. Ayaw kitang mawala. Pero ayoko ring mawala ang best friend ko. Para ko ng kapatid 'yon."

"I know, Aaron. I like her too. She's nice and funny. She's cute. She's like a sister to me too. I know she'll be hurt. We lied to her. Pero alam ko ring maiintindihan tayo ni Jenny."

Napasinghap si Jenny.

Gutom na 'yata ako. Kung ano-ano na lang naririnig ko.

Natahimik ang dalawang lalaking nag-aaway. Narinig yata ang singhap niya. Dahan-dahan niyang nilingon ang mga ito.

OMO. OMO. OMO. OMO. OMO. OMO. OMO. OMO. OMO.OMO. OMO. OMO.
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA.
OMO!

Forever Ba, 'Ka Mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon