18

10 0 0
                                    

"Simon!"

Kinawayan ni Jenny si Simon. Kakapasok lang nito sa pinto.

"Hey."

Nakangiting kinawayan siya nito pabalik. Ilang buwan na ring pumupunta ito doon.

Late ulit si baby angel today.

Minsan lang ito dumating nang ganitong oras. Kadalasan, nandito na ito bago pa siya dumating. Pero nitong mga nakaraang araw, napapadalas na ang pagka-late nito sa pagpunta.

Busy 'ata. Pero kilig pa rin.

"Tsss."

Siniko niya si Aaron. Ilang buwan na rin na madalas silang magkasamang tatlo. Natuwa nga siya dahil hindi naman nag-away ang mga ito. Pero limitado pa rin pareho ang mga kilos. At intense pa rin kung magtinginan.

"Ang sungit mo na naman."

"Pumunta pa kasi."

Siniko niya ito. Pagkatapos ay nginitian si Simon na nakalingon sa amin habang namimili ng kakainin. Bugnutin si Aaron nitong mga nakaraang araw.

Bumulong na nga ako, nilakasan pa talaga ang boses. Tsk tsk.

Inasikaso niya na lang ang lalaking customer.

Lollipop? Lalaking hindi nagshi-shave ng balbas na mahilig sa lollipop.

Tumawa siya ng malakas. Sa isip nga lang.

Baka masisante pa 'ko. Waaaa. 'Di pwede.

Nangingiting inabot niya dito ang sukli

"Anong nakakatawa?"

Seryoso niya rin itong tiningnan.

"Masaya ako, eh-"

Ang dami talagang epal na customer, omo.

Pilit akong ngumiti.

"-sir."

Forever Ba, 'Ka Mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon