24

6 0 0
                                    

"Bakit mo ba 'to ginagawa?"

Nilingon ito ni Jude pagkatapos niyang mag-abot ng naka-eco bag na groceries at supplies sa maluha-luhang babae habang karga nito ang may sipon pang anak.

Isang buwan ulit ang nakalipas bago ulit ito nagpakita sa kanya. At walang kahirap-hirap siya nitong nakumbinsing mag-volunteer.

"You need to experience first hand that what you're going through right now isn't half the sufferings those people have to go through each day, but still having courage to look forward to every tomorrow."

Medyo napa-ngiti pa siya sa ayos nito. Naka-maluwang na long sleeves kasi ito na naka-tuck in sa hanggang bewang na pantalon. Hindi na maiiwasan ang mga tititig dito dahil maganda ito, pero at least walang masyadong balat ang nakalabas na makikita.

Pupuriin niya na sana na gusto niya ang suot nito pero napapikit na lang siya ng mariin at huminga ng malalim noong tumalikod na ito para pumuntang sasakyan.

Naka-long sleeves nga at pantalon, kita naman buong likod. Kailangan ko na talagang magdala ng kumot 'pag kasama ko 'to.

"Ahm. To help?"

Sagot nito sa tanong niya. Tinaasan din siya nito ng kilay at ipinagpatuloy ang pamimigay ng groceries at supplies.

"Ibig kong sabihin, ginagawa mo ba 'to para tulungan akong mag-move on?"

Hinarap siya nito at tinitigan.

"No. I'm not doing what I'm doing just to help you. I help people who badly need help, like them."

Itinuro pa nito ang mga tao sa paligid.

"But you're not one of them. Besides, you should be the one helping yourself move on, right? Not other people. Not me."

"Pero bakit mo 'to ginagawa?"

Sa unang pagkakataon, ngumiti ito sa kanya. Mas sumingkit pa lalo ang mga mata nito.

"I'm doing what you're supposed to be doing. I'm helping myself move on."


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forever Ba, 'Ka Mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon