"Waaaa. Lollipop ko 'yan!"
"O."
"Omo. Bakit ba ang hilig mong isubo 'yang sa'yo!?"
"Hahahaha. Alam mo ba ang ibig sabihin ng sinabi mo? At sinigaw mo pa talaga, ah. Aray, masakit! Ang hilig mo talagang manghampas."
"Ang bastos kasi ng bibig mo!"
"Sino ba kasi sa atin ang nagsisigaw na sinusubo k--aray!"
"Jealous?"
Nilingon ni Jude ang babaeng nagsalita sa tabi niya. Nakataas ang kaliwang kilay nito. Parang nang-aasar ang mga mata.
Ibinalik niya lang ang tingin sa harap niya nang hindi sinasagot ang babae. Pilit na sinusubuan ng lollipop ng lalaki ang girlfriend nito.
"June!"
Nilingon siya ng dalawa.
"Una na 'ko."
Tinanguan lang siya ni June. Kinawayan naman siya ng girlfriend nito.
"Ingat, Jude!"
"Salamat, Jenny."
Tinanguan niya ito at tumalikod. Nagsimula na siyang humakbang nang magsalita ulit ang babae sa tabi niya.
"Awww. Poor guy. Still into someone's girlfriend, aren't you?"
Kinuyom niya ang mga palad niya. Mahirap na at baka makasuntok pa siya ng babae ng wala sa oras.
"And what's even worse is she's your twin's girlfriend. Pathetic."
Hinarap niya ito at mahinang sinuntok ang pader sa likod nito. Inilapit niya rin ang mukha niya dito.
Pinangsingkitan lang siya ng mga singkit na nitong mga mata. Nanghalukipkip din ito at mas inilapit pa ang mukha sa mukha niya.
Tinaas nito ang kanang kamay at marahang inilapat ang mahabang kuko ng hintuturo nito sa noo niya. Dahan-dahan nitong ibinaba ang hintuturo mula noo patungo sa ilong niya, pababa sa labi, sa baba, sa adam's apple, papunta sa collar bones, papunta sa kaliwang dibdib. Pagkatapos ay mariing ibinaon nito ang kuko sa tapat ng puso niya at ngumiti ng malungkot.
"Masakit?"
BINABASA MO ANG
Forever Ba, 'Ka Mo?
РазноеPara sa mga naniwala na, kasalukuyang naniniwala at maniniwala pa lang. Cheers. Para sa pagbabago!