Nagtatakang pinagmasdan ni El ang mga estudyanteng nakatumpok sa pintuan ng classroom niya. Pati na rin sa mga bintana ay may nakasilip na mga estudyante. Puro babae. At binabae.
Ang iingay naman. Ang aga-aga!
Naiiritang napakamot na lang siya sa likod ng tainga niya.
Girls.
Nagpatuloy na lang siya sa paglalakad papunta sa pintuan ng classroom. Malapit na tumunog ang bell. At ayaw niyang ma-late.
"Grabeeeee! Ang gwapo-gwapo talaga ni Iaaaaan!"
"Sobraaaaaa!"
Marahan niyang ginalaw ang tainga niya dahil sa tili ng mga ito. Hinahampas-hampas pa ng mga ito ang isa't isa at nagpapapadyak. Parang kaunti na lang sasaniban na.
Napakunot ang noo niya nang napagtanto kung sino-sino ang mga ito. Ang pagkakaalam niya kasi "magkakaaway" ang mga ito dahil sa EXO at BTS.
Napailing na lang siya.
Girls!
Medyo nawi-weirdo-han talaga siya sa mga babae. Kung ano-ano kasi ang naiisipang gawin. Mag-aaway. Magbabati. Tapos mag-aaway ulit! Ang hirap intindihin sa totoo lang.
At ang iingay pa! Kaya siguro wala akong kaibigang babae.
"Excuse me."
Nagpatuloy lang sa "pagbubulungan" ang mga ito. Parang hindi siya narinig magsalita. Nagbubungisngisan pa lalo.
Napakamot ulit siya sa likod ng tainga.
Kingina.
Idinipa niya ang dalawang braso at iwinisik-wisik sa ere ang mga kamay. Pagkatapos ay walang pag-aalinlangang hinawakan niya ang laylayan ng mga palda ng dalawang nakatalikod na mga babaeng nasa harapan niya at mabilis na itinaas. Nagtilian ang mga ito. Ganoon din ang ginawa niya sa ibang mga babaeng nakaharang sa pintuan hanggang sa makadaan siya papasok.
Pinaghahampas siya ng mga ito habang panay pa rin ang tilian. Tumatawa lang siya.
"Ang manyak mo talaga El!"
Kinindatan niya ang mga ito at nginisihan.
Pumula pa lalo ang mukha ng mga ito.
Cute sana. Ang iingay lang.
Naglakad siya paatras habang nakataas ang dala niya kamay na para bang sumusuko. Panay pa rin ang pagtatalak ng mga ito sa "kamanyakan" niya.
Patuloy pa rin ang pag-atras niya habang tawang-tawa sa nakabusangot na mga mukha ng mga ito kaya hindi niya napansin ang nalaglag na eraser sa sahig.
Naapakan niya iyon at nadulas siya. Mabuti na lang at may nagmagandang loob na saluhin siya.
Nakapulupot sa bewang niya ang dalawang braso nito at ang buong bigat niya ay nakasandal sa katawan nito.
Mabilis siyang kumalas sa pagkakayapos ng lalaki. Para kasing ang bading ng posisyon nila.
'Nyeta.
Hinarap niya ang lalaki at tiningala ito. Matangkad siya pero hindi hamak na mas matangkad ito sa kanya.
Tipid niya lang itong nginitian at tinapik sa balikat ng dalawang beses.
"Salamat, 'pre."
![](https://img.wattpad.com/cover/67151260-288-k33679.jpg)
BINABASA MO ANG
Forever Ba, 'Ka Mo?
AcakPara sa mga naniwala na, kasalukuyang naniniwala at maniniwala pa lang. Cheers. Para sa pagbabago!