"Tumahimik ka."
Binilisan pa ni Camille ang paglalakad. Pero nasasabayan pa rin siya ng lalaking hindi man lang nauubusan ng salita.
Humihinga pa ba 'to?
Tumingala ito sa langit at itinaas ang mga braso.
"Hallelujah! After what, 5 months, kinausap mo na rin ako!"
Kumunot ang noo niya at tiningnan ito. Bumagal din ang paglalakad niya.
Five months? Ganoon na katagal akong ginugulo ng lalaking 'to?
"Kinausap mo nga ako, para naman patahimikin. You are so heartless. Ang sakit-sakit."
Eksaherado itong umarteng nasasaktan at hinawakan ang kaliwang dibdib.
Tuluyan na siyang tumigil sa paglalakad.
Kailangan ng matigil ang kalokohang 'to.
"Ano ba talagang kailangan mo sa akin? Bakit ba sunod ka nang sunod? Bakit palagi kang nakabuntot? Bakit pinagtitiyagaan mong kausapin ako kahit hindi kita pinapansin? Bakit ba ang kulit-kulit mo?"
"Wow. You are really talking to me. Am I dreaming?"
Pinitik niya ito sa noo sa sobrang inis.
"I must be dreaming. You are even touching me now."
Nagtiim ang bagang niya. Akmang tatalikuran niya na ito nang mahina nitong sinundot ang gitna ng mga kilay niya, na kasalukuyang magkasalubong, gamit ang hintuturo nito.
"Bakit sa tingin mo? Why do you think I keep following you around like a lost puppy kahit parang hindi mo man lang ako nakikita. Kahit parang wala lang ako para sa'yo. Can't you even like me? Kahit kaunti lang?"
Tiningala niya ito. At sa unang pagkakataon, nakita niyang hindi ito nakangiti. Seryoso itong nakatitig sa kanya at naghihintay ng sagot.
Bakit ako kinakabahan?
"Hindi. Hindi kita gusto. Ikaw, gusto mo ba ako?"
Bakit ganito? Bakit parang hindi ako makalunok ng maayos?
"Oo."
Tumigil siya sa paghinga.
"Gusto kita. Gustong-gusto kita."

BINABASA MO ANG
Forever Ba, 'Ka Mo?
SonstigesPara sa mga naniwala na, kasalukuyang naniniwala at maniniwala pa lang. Cheers. Para sa pagbabago!