33

0 0 0
                                    

Naghihikab ako habang palabas ng classroom.

Gutom na ko.

Naglakad na ako papuntang cafeteria. Kakatapos lang ng klase namin at may free time kami para mag-lunch.

Alright!

"Ian, lunch tayo. Treat ko!"

"I already ate."

"Sa akin ka na lang sumama Ian, nag-reserve ako ng seat sayo sa library."

"I don't want to study."

"Ako na gagawa ng homeworks mo. 'Di mo na kailangang magstudy."

"Ako na. I'm not stupid."

Napakunot ang noo ko. Weird. Bakit siya tumatanggi sa grasya?

Nilingon ko si Ian na napapaligiran ng mga "grasya". Mukhang banas na banas na ito at nakasimangot na binabaklas ang mga kamay ng mga babaeng humahawak dito.

Napailing na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Weird talaga. Kung mga kabarkada ko 'yan, kanina pa sinunggaban ang offer ng mga ito. Kahit ako susunggab, eh. Palay na ang lumalapit sa manok, di pa tutukain.

Simula nang mapadpad si Ian sa school namin, sandamakmak na chicks na ang bigla-biglang sumusulpot para "makipagkaibigan" sa kanya. Iyong iba, dayo pa talaga galing ibang school. Pero lahat ay pinagsusupladuhan niya. Walang pinagbigyan kahit isa.

Weird.

Naghikab ulit ako ay kinamot ang tiyan.

Kingina. Bakit ba kasi ang daldal ng prof. namin? Eh, nagkwento lang naman siya sa buhay niya. Ulit. Pota.

Natigil ang pagmumura ko sa professor namin sa utak ko nang maramdaman ko ang biglang pag-akbay sa akin ng kung sino. Inilapit nito ang bibig sa tainga ko at bumulong.

"Save me."

Pota. 'Trip neto? Bakit kailangan pang bumulong pa sa tainga ko? Bading amputs.

Bibigwasan ko na sana nang muli itong nagsalita ito.

"Let's have lunch. My treat."

Ngumisi ako at nilingon si Ian.

At syempre dahil palay na ang lumapit, tinuka ko na yung grasya.

"Sige ba!"

Alright!






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forever Ba, 'Ka Mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon