"Camille!"
Huminto si Camille sa paglalakad. Nakita niya ang dalawang puting sapatos sa harap niya.
"I've been looking for you everywhere! I was so worried. Hindi kita mahanap simula kahapon. And I just realized that I don't even have your number. Saan k-"
Inangat niya ang mukha niya. Nagsalubong ang mga kilay ni Cedrick at mabilis siyang hinawakan sa magkabilang balikat.
"What happened!? Have you been crying? Bakit? Tell me!"
Marahan pa nitong inuga ang mga balikat niya. Makikita sa mukha nito ang matinding pag-aalala.
"Baby, tell me. What's wrong?"
Umiling lang siya at yumuko. Nanghihinang binitawan nito ang mga balikat niya. Nakita niya ang mahigpit na pagkuyom ng mga kamao nito.
"Is it him? Are you crying because of him?"
Alam niya? Paano?
Dinig na dinig ang pait sa boses nito kaya hindi niya mapigilang tingalain ito ulit.
"Siya na naman? And here I thought panalo na ako."
Nag-iwas ito ng tingin. Napansin niya ang pamumula ng mga mata nito.
Ha?
Itinaas niya ang kamay para ipaling ang mukha nito paharap sa kanya pero nagbago ang isip niya kaya ikinuyom niya na lang ito at ibinalik ulit sa tabi niya.
"Kaya ba I still can't call you Camille kasi siya pa rin? Siya pa rin ang may karapatan? Siya lang?"
Pumaling ito paharap sa kanya. Punong-puno ng emosyon ang mga mata.
Mali yata ang akala nito.
"What about me then? What about us? What do you think I'd feel? What do you think I'd do? Mag-celebrate? Because the girl I love is crying over some douche bag who broke her heart."
Nanlaki ang mata niya.
"Hin-"
"What! Yes, I love you! There, I said it. Hindi pa ba obvious? Sunod ako nang sunod sayo na parang baliw for more than eight months now. What do you think I'd do now, huh? Do you think I would give up, just like that? No way! Never.
"Naging stalker mo pa ako ng isang taon kasi nato-torpe akong kausapin ka! Kasi ang ilap-ilap mo. Kasi ang hirap-hirap mong abutin. And now that I've finally had the guts to get close to you, now that you're finally opening up to me, now that I think you're starting to like me, kahit kaunti lang, ngayon pa ba ako susuko?"
Ang dami-dami niyang nararamdaman. Ang dami-dami niyang gustong sabihin.
Mahal niya ako?
Ang dami-dami niyang gustong gawin.
Pero ang tanging nagawa niya lang ay itaas ang kanang kamay niya at pitikin ang noo nito ng malakas."Aw! You really like hurting me, don't you?"
Pinitik niya ulit ang noo nito.
"Aw!"
Hindi niya mapigilan ang tumawa ng malakas.
Pipitikin niya dapat ulit ang noo nito pero hinuli nito ang kamay niya at hinila siya palapit dito. Hinalikan nito isa-isa ang mga daliri niya.
"You're still beautiful doing it. Laughing at my expense that is. Kahit na sinasaktan mo na ako, ang ganda-ganda mo pa rin."
Bolero.
"Bolero."
"It's true!"
"Manyak."
"What!?"
"Corny."
"Baduy, maingay, pakialamero, makulit, sobrang nakakairita, nakakairita."
"Thanks a lo-"
"Cedrick."
Nanlaki ang mga mata nito ng ilang sandali. Pagkatapos ay marahan nitong inilapat ang palad niya sa dibdib nito. Sa tapat ng puso. Ramdam na ramdam niya kung gaano kabilis ang tibok nito.
Tinaas niya ang kaliwang kamay para haplusin ang namumula nitong noo.
Pumikit ito sa ginawa niya."Huwag mo na akong tawaging baby."
Kumunot ang noo nito. Nakapikit pa rin. Hinaplos niya ulit para alisin ang pagkakakunot doon.
"Camille na lang."
BINABASA MO ANG
Forever Ba, 'Ka Mo?
RandomPara sa mga naniwala na, kasalukuyang naniniwala at maniniwala pa lang. Cheers. Para sa pagbabago!