"I missed you, baby."
Pinagpatuloy lang ni Camille ang pagkain na parang walang narinig kahit na pakiramdam niya, may nakabara sa lalamunan niya.
"So much."
Nilunok niya muna ang kinakain bago nilingon ang "tatay" niya. Isang linggo na rin siya nitong tinatawag na baby.
"Magkasama tayo kahapon. At n'ong isang araw. At n'ong mga nakaraang araw pa."
Kumunot ang noo niya.
Araw-araw kaming magkasama?
Nakangiti itong nangalubaba habang tinititigan siyang mabuti. Nag-iwas siya ng tingin at pinagpatuloy ang pagkain ng ramen na medyo lumalamig na.
"Oo nga. Pero bakit parang kulang pa rin? Bakit nami-miss pa rin kita."
Corny. Pero bakit hindi ako naiirita?
"You're doing it wrong."
"Ha?"
"The way you're eating. You're doing it wrong."
Inalis nito ang pagkaka-pangalubaba at umayos sa pagkaka-upo. Umusog ito palapit sa kanya kung kaya ay magkadikit na ang mga braso nila. Yumuko rin ito para makidungaw sa ramen niya.
"The right way to eat ramen when you're with me is..."
Sobrang lapit na nila sa isa't isa. Iyong tipong nararamdaman na niya ang bawat pagbuga nito ng hinga sa kanyang tainga. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa cup ng ramen.
"...this."
Pinagapang nito ang mga daliri ng kanan nitong kamay sa kaliwa niyang braso. Papunta sa kanyang palapulsuhan. Papunta sa palad niya.
At dahil nakahawak pa rin siya sa cup, paunti-unti nitong sinisiksik ang mga daliri nito sa pagitan ng cup at ng kanyang kamay. Hanggang sa tuluyan nitong napagsalikop ang kanilang nga daliri. At tuluyan din siyang nanghina.
Hinawakan naman ng kaliwang kamay nito ang cup at inilapit sa kanya.
"You can continue eating now. I'll hold the cup for you."
Makakakain pa kaya ako ng maayos?
Nagpatuloy siya sa pagkain gamit ang kanan niyang kamay habang magkahawak kamay silang dalawa.
Nang lingunin niya ito, nakakagat labi itong nakatitig sa ramen. Namumula ang pisngi.
Seryoso, bakit hindi ako naiirita?

BINABASA MO ANG
Forever Ba, 'Ka Mo?
RandomPara sa mga naniwala na, kasalukuyang naniniwala at maniniwala pa lang. Cheers. Para sa pagbabago!